Masaya daw sa pakiramdam ang nagbibigay
Maluwag sa dibdib ang kusang pagdamay
Sa mga nangangailangan at naghihikahos
Maliit mang alay ay malaking tulong upang sila'y makaraosNaniniwala ako at kung may pagkakataon ay isinasagawa
Pagbibigay ng parte sa anumang nakukuhang biyaya
Walang halaga isusukat sa kahit katiting na ambag
Nalulugod ang matang nakatanglaw sa nagpaparamdam ng habagSubalit lahat ba'y handang magluwal o magparaya
Kayamanan bang nakamit payag bang sa nangangailangan ay ipaubaya
Kaya nga kayang sundin ng mga marangya't relihiyoso
Ang utos na ito sa atin ng Diyos na sukatan sating pagkataoAng tunay na yaman naman kasi'y wala rito sa lupa
Kundi nororoon sa langit sa piling ng ating Diyos na dakila
Ang kaligayahang walang hanggan na pangakong yaman
Sa mga nilalang na sinunod ang bigay nilang aral at kautusanWalang mali na pangarapin ng tao ang mabuhay ng sagana
Lalo't iyon ay nakamtan sa pagsisikap at hindi sa pananamantala
Napakayaman mo nga kahit maging ari mo pa lahat ng bagay dito sa mundo
Ngunit pagsapit nang takdang husga kaya mo kayang humarap sa ating Panginoong taas ang nooXD/ 04.18.2019
3:46 pm
ESTÁS LEYENDO
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoesíaIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you