Ewan kung hanggang kailan
Matatapos makulong ng pilit
Pwedeng lumabas pero ang daming tanong
Nung mga diyos na may iba't ibang giitDahil sa kagaw na regalo ng beho
Buong mundo naletcheng totoo
Ekomoniya lumagapak nagsibagsak
Ginutom ang mga pobre na bulaga ang gobyernoNagkumahog ang lahat natutong magdasal
Pawang dalangin kaawaan at kahabagan
Mailayo sa sakit malamnan ang sikmura
At ang pamawing gamot agad na matuklasanParusa nga ba ito o isang sumpa?
Dahil sa kasalanang laganap nang lubha
Puso ng tao nakatuon sa mga gawang mali
Lumayo sa kabutihan at sa demonyo na nanampalatayaNakalulungkot mang isipin sa kabila ng ipedemya
Mga buhong ay di nahinto sa lakad nilang liko
Makalamang pa rin sa kapwa at makauna
Kapangyarihan at salapi sa ganid nilang kamay ay walang pagsukoKaya ang mga kaawa-awang tao na patuloy na umaasa
Na ang kagalingan sa sakit ay sila ang makapagbibigay ng tugon
Sa kanilang atas at gabay sisilay ang pag- asa
Pagbangon sa pagsubok at suliranin
tangan nila ang mabuting solusyonNgunit tila nakatingin lang sila sa kawalan
Nag-aantay naka abang sa kung ano ang magaling
Umaasa sa salita't pangakong may ayudang sisilip
Buhat sa kung saan walang katiyakang daratingKaya mga tao pinasusunod na parang aso
Tinatalian ang leeg nang mga malakas tumahol
Hinihibang sa butong kapirangot na suhol
Kapalit sa di pagsuway sa utos nilang pilipit at buholHanggang kailan ba ikukulong ang hilong diwa
At pasusunurin sa mga walang kwentang panaginip
Maging hibang ang lahat at manatiling bulag kanilang layon
Sa panahong ito na sakal nila ang bawat himaymay ng ating pagiisipMas nais nilang bayan ay manaliting tulog
Manatili sa tahanan at huwag magsilabas
Dahil wala silang maisasagot sa epidemyang katanungan
Kahit bilyon nang kwarta ang kanilang kinupit at winaldasXD/ 08.07.2020
5:08 pm
CZYTASZ
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoezjaIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you