#43 T.I.K.

6 0 0
                                    

Tanging ina ka

Ang ina raw ay sadyang mapagmahal,
Sa anak ay kabutihan lagi ang hiling at dasal.
Hindi nito matitiis mamasdan kanyang supling ay lumuluha,
At sa tuwing namamali gawad ay lubos na pang-unawa.

Kagalingan ang nais sa lahat nang panahon,
Laging may paalala't bilin sa anumang situwasyon.
Ang mata ng ina'y nakabukas at mulat,
Pagmamalasakit sa kanyang anak sadyang hindi masusukat.

Tunay at maliwanag na walang sino mang makakatutol,
Na ang isang ulirang ina ganitong gawi ang ini-uukol.
Sa kanilang supling pagkalinga'y isang malalim na debosyon,
Hanggang sa huli nilang hininga di ito mag-iiba ng posisyon.

Subalit paniwalaan man o hindi,
Mayroong inang kasumpa-sumpa ang dulot na pagkandili.
Kasamaan at kahihiyan ang inilulukob sa anak,
Wala itong pakialam kung sa pagdurusa supling ay maisadlak.

Kaya kamalian man ipagpalagay,
Ang layuan ang inang may maitim na kulay.
Sa ikakapanatag nang anak, pag-iwas ay sadyang makatuwiran,
Kaysa pumisan kasama ang inang walang kilalang kahihiyan.

Sa mga gawa tayo huhusgahan ng ating panginoon,
Iwasan ang lahat na kamalian ang tanging solusyon.
Kaya kung kasalanan itakwil ang isang inang nuknukan nang sama,
Sa kasalanang iyon sino pa ang magnanais maging tama?

This is for you PMS!

XD/ 02.01.2018
8:05 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now