#42 BALATKAYO

3 0 0
                                    

Balatkayo

Pinturahan mo man ng niebe yang katauhan mo,
Araw araw ka man magbabad sa sambahan nyo.
Hindi mo pa rin malilinlang ang Diyos na tunay,
Na siyang nakakabatid kung ano ang totoong kulay nang yong buhay.

Sabihin mo man at ipagsigawang ika'y lingkod ni Kristo,
At ang kanyang turo't aral ay sa puso mo nakapwesto.
Sa huli lalabas din kung nagsasabi ka nang katotohanan,
O kung balatkayo ka lang tulad nang sekta mong inaniban.

Himayin natin ang gawi mong asal,
Di yata't iba ang ginagawa mo kaysa sa iyong dasal.
Ang galit sa puso ay hindi mo maitatwa,
Mata mo'y nakatutok pa rin sa mga pitang masasama.

Kaya tama ang kasabihang ang masama'y hindi na mababago,
Maitim nitong budhi umiikot lang sa buong pagkatao.
Wala siyang kinasisiya kundi ang pansarili niyang nais,
Wala itong pakialam kahit mundo'y nalublob sa hapis.

Ayaw niyang nauunahan, ayaw niyang nahuhuli,
Tutol ito sa kagalingan ng iba, kagyat niyang kinamumuhi.
Ang nais niya'y siya lang ang nasa taas at tinitingala,
Galit siya sa kapwang umaangat at pinagpapala.

Bakit nga ba mayroong ganitong klaseng nilalang?
Na pagibig sa kapwa tao'y pakunwari lang at sadyang panlilinlang.
Puro balatkayo lahat ng hakbang ay isang palabas,
Nagkukubli sa relihiyon gayong namumuhay ng marahas.

Mata naman ng Diyos hindi sa tulad niya winalay
Kaya't di nalilihim kabuktutan niyang nagawa sa buo niyang buhay.
Sasapit din ang dulo magwawakas ang lahat,
Tiyak na ang kaparusahang susunog sa mga buto niya't balat.

XD/ 01.16.2018
6:32 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Onde histórias criam vida. Descubra agora