#11 TILA MALABO

16 0 0
                                    

Ako ay nalulungkot, pero ako rin nama'y masaya.
Nakangiti ako, kahit lumuluha yao'ng mga mata.
Nasasaktan ang aking puso, subalit nagdiriwang naman ang isip,
"Natapos na nga ba ang dalawang taon kong pananaginip?"

Gusto ko pa ring marinig ang maganda mong tinig, pero ayoko ng kausapin ka.
Gusto pa rin kitang makita, pero ayoko ng makasama.
Wala na akong pakialam sayo, pero mahal pa rin kita.
Kakalimutan na kita, pero di kita aalisin sa aking sistema.

Hindi na ako aasa pang babalik ka pa, pero tuloy lang akong maghihintay.
Hindi kita ipaglalaban, pero buhay ko ay handa ko sayong ialay.
Pinag apoy mo ang puso ko, pinadaluyan ko naman ng tubig nang pangunawa.
Pinagtagpo tayo ng mali, nagwakas tayo sa tama.

Tinapos mo na, akin namang sinimulan.
Binunot mo pa ang ugat, pero tuloy ko lang iyong didiligan.
Lumaya ka ng ganap, ako naman ang na bilanggo.
Nasa rehas ako ng pagsisisi dahil sa puso kong mapaglaro.

Bina-bangungot ako, pero gising ako't di naman tulog.
Hindi ako nang galing sa itaas ang tanong ko e' "bakit ako na hulog?"
Nauunawaan ko yaring pangyayari, subalit tila malabo pa rin.
Minahal kita, minahal mo ako, "teka, mayroon bang naka-pansin?"..*

Para kay E.A.

3.19.98/XD

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon