HABANG
Bigyan mo ako ng mga bulaklak habang akin pa itong masasamyo,
Dulutan mo ako ng mga prutas habang ang lasa nito'y maari ko pang matanto.
Awitan mo ako habang ang teynga ko'y tunay pang nakakaulinig,
Ipakita mo sa akin yaong matikas na debuho habang ang mga mata ko sa liwanag pa'y naitititig.Basahan mo ako ng mga kuwento at tula habang kaya ko pa itong maunawa,
Buksan mo sa akin anuman yang dala mong paniniwala.
Dalawin mo ako habang maari pa kitang gantihan ng pasasalamat,
Yakapin mo ako habang ang katawan ko'y di pa isang alamat.Dahil kapag ang hininga ko'y tumigil na at tawagin na ng panginoon,
Buhay na pinahiram lilipas na rin ang layon.
Ang patay ay wala ng pakinabang sa mundo ng buhay,
Wala na ring halaga pa laksang ginto nyo mang ibibigay..XD/04262017
7:23 am
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you