Walang taong perpekto wala talaga,
Minsan kahit hindi mo intensiyon na mamali ka.
Yun bang di mo sinasadyang makasakit,
Pero ang dating sa ibang tao'y lubha ng malupit.May mga taong ayaw magpaagrabyado,
Hindi mapagpaubaya kahit na sa sukling singko.
Hindi nila papalagpasin kahit ang katiting na sagi,
Magagalit ito kahit abot langit na paumanhin mong isinukli.Kaya kailangan kontrol sa sarili,
Huwag kang papatol sa makitid nilang muni.
Minsan patibong lang iyon upang ika'y masilo,
Sa tuso nilang diskarte upang makagancho.Kaya ingat sa mga negatibong nagkalat,
Mga demonyo at impakto na anghel ang pabalat.
Laging alerto ang isip sa bawat kaganapan at pagyayari,
Upang makaligtas sa mga taong kaguluhan ang hakbang at pawang dumi.XD/may072017
12:47 pmEver incident
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you