#10 MANGARAP KA

19 0 0
                                    

Mangarap ka kaibigan! Takasan mo ang mundo.

Takasan mo kahit sandali ang dumi ng mga tao.

Layuan mo ang lagim at bangis ng digmaan,

Mangarap ka, na ang mundo'y nasa kapayapaan.

Mangarap ka na ang bawat isa'y may pagibig,

Mangarap ka na ang kasamaan ay wala sa daigdig.

Isipin mo na ginto ang bawat buhay,

At ang pananalig ng bawat isa ay duon sa diyos na tunay.

Mangarap ka na walang inaapi at alipin,

Mangarap ka na bawat tao'y kabutihan ang layunin.

Mangarap kang walang mga luhang papatak,

Mula sa isang inang winalang bahala ng kaniyang anak.

Mangarap ka nang nag-iisang paninindigan,

Mangarap kang walang napipiit kundi nasa kalayaan.

Mangarap ka na ang mga bulaklak ay hindi malalanta,

At ang tubig sa batis kailan may di papakla.

Mangarap ka na ang mga kasama mo ngayon ay tunay na kaibigan,

Na kahit sa ano pa nang kaganapan, tatayo sila at hindi mangiiwan.

Mangarap ka kaibigan, sige mangarap ka na lang,

Dahil ang katotohanan ang lahat ng mga ito'y hanggang sa pangarap na lamang...*



12191/XD

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora