Buklatin mo yaong aklat,
Tunghayan at basahin ang naka-sulat.
Masidhing unawain ang mensahe,
Intindihin, gamitin ang kukote.Kung nalilito sa kahulugan,
Pagisipang ganap huwag susukuan.
Pasasaan ba sasapit din ang unawa,
Magtanong sa hindi maarok ng diwa.May sukab na animo'y lubhang batid,
Lihim nuong una sa diwa niya'y dina makitid.
Naulinigan lang sa kung sino dalang dunong,
Nais na'y mataas gayong baliko ang nais isulong.Ang malinaw na isip ay handang tumanggap,
Sa anumang palatuntunang mapait man ang sangkap.
Maari namang iwasan ang hukab nang di nito pansin,
Bulong na panaginip duon na rin tanggapin.Ang kaalaman ay laging may matuwid na hatid,
May lihim na handang tumanyag sa diwang di makitid.
Mas ligtas na ipagkumpara ang mga narinig at nabasa,
Hiwatig ay ipantay sa kahulugang tuwid ang dini-dikta.Read the bible.
XD/ Nov. 30 2017
10:54 am
![](https://img.wattpad.com/cover/83392125-288-k508313.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you