#18 IPAGSUSULIT

9 0 0
                                    

IPAGSUSULIT

Nakakabinging katahimikan huwag ipagkamali,
Na ito'y payapa at walang panganib na nakausli.
Nakakatakot ang lamig ng kadiliman,
Nakakabagabag ang layon ng maruming kaisipan.

Minsan ng namalas ang nagpupuyos na pagkasuklam,
Sa putik na isinaboy nang makating mangkukulam.
Kung ang salita'y makakakitil ay ano pa kaya,
Ang nilalang na iyo'y malaon ng nabaon at nabulok sa lupa.

Ngunit ang delubyo ay patuloy lang sa pag-iral,
Tuloy sa pagyurak ng maringal na dangal.
Kung may pag unawa sa senakulong namalas,
Ang mga latay at hagupit ay dapat lang kay hudas.

Kukulimlim din ang panahon at lulubugan din ng araw,
Babalik ang karit sa leeg ng karumaldumal na halimaw.
Hindi niya natatakasan ang parusang itinakda,
Ipagsusulit niyang tunay lahat ng kasamaang ginawa..

XD/04062017
12:02 pm

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now