Binibini kong irog kaylan ba mauunawa?
Yaring damdaming malaon nang lunoy ng malabis na pagluha.
Sa bawat sandali laman ka ng hinuha,
Pagsinta mong wagas hiling ko kay bathala.Ano ba ang sanhi at ika'y bantulot?
Na waksan na yaring dusa at saya na ang idulot.
Hindi pa ba sumapat ang laksang araw na tiniis ko't di ikina-bugnot,
Tapunan dili ng pagpansin, pag-irog na niluluhog wag nang ipagdamot.O' baka sadyang pagsinta ko sa damdamin mo'y walang puwang,
Kaya't pahirap na binata'y inakala pang panlilinlang.
Kung ganoon na nga, nawa'y bawiin na ng langit yaring hiningang utang,
Nang magwakas na agad sa pag-iral yaring pusong hibang.Binibini kong minumutya, bakit hindi pa banggitin?
Ang tunay na nasok sa puso'y huwag ng itago pa't paka-aminin.
Kung sadyang itong niluluhog na pag-ibig ay wala at kailan man ay hindi mo mapapansin,
Kabiguan man ang hatol mong gawad iyon ay malugod ko pa ring tatanggapin...*9616/XD
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you