#7 BINABAGABAG SA NAMALAS

11 0 0
                                    

Swerte nga ba o' malas,
Sino kaya ang mang-aahas?
Kung lilipad pataas,
Naka handa kayang magpa-angkas?

Sige' oo na! Harap ay matikas,
Kaya di mapakali at tila ba tumigas.
Easy lang! Wala namang balak magbukas,
Kaya hindi na kailangan pang pumiglas.

Haplos na natuon sa maalab na paghimas,
Matang nakapinid pero malinaw na
namamalas.
Yaong kagandahang nagpaibayo ng lakas,
Na umasam na sana'y hindi iyon ang wakas.

Lihim na tinuklas na hayag ang bakas,
Mapait na pilat ng mga kasawiang lumipas.
Turan lang at naka handang iligtas,
Sa lupit ng pagsuyong malaon nang dinaranas.

Kung noon pa nagkrus ang ating landas,
Dina sana nalunoy sa kamay ng mga hudas.
At ang mapaglarong puso'y tunay na dumanas,
Nang isang dalisay na pagibig na sakdal wagas.

Huli man, tanggapin nawa yaring pahimakas,
Itong pagtatagpo sa gunita'y hinding hindi lilipas.
May pangingimi man, ngunit di na kakayaning umiwas,
Kapag muling inihain ang masarap na mansanas.

Kasalanan man ngunit tila papaubos na ang lakas,
Upang masaway ang kaloobang nagpupuyos na makaalpas.
Pag-nagkataon sa paglipad ay maka angkas,
Ang unang bibitiw, tiyak sa tutunguhin na'y lumagpas...*

Para kay midnightsoul.

10500/XD

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now