# 54 IBA IBA

13 0 0
                                    

Sadyang iba-iba tayong mga tao,
May kanya kanyang naisin at gusto.
May taong masayang minamalas ang pagsikat ng araw, kasabay ng mga ibon lumilipad,
Mayroon din namang ikinaliligaya ang unti-unting paglubog nito at pagpalit ng kadilimang umuusad.

May mga nilalang na mas pinili ang mamuhay ng mag-isa,
Kasama'y mga alaga nilang hayop na kanilang kinakalinga.
Mayroon namang nais ay kasayahang hindi mabibili ng pera,
Kaya't sa pag- ibig nakatuon ang puso't isipan maging ang mata.

Ang iba nama'y narahuyo sa tawag ng laman,
Ginawa'y maglunod sa bisyo't kasayahang hubad sa katuwiran.
Anupa't minsan ang sukling hantungan ay lubhang pagsisisi,
Na hindi na maibalik ang dating pagkatao dahil sa pagkalubog sa sakdal dumi.

May ikinaliligaya ang pakikitungong espiritual,
Gumagabay sa ligaw, may itinuturong aral.
Paniniwala sa makapangyarihang diyos na buhay,
Ipinahahayag upang mga tao'y makasumpong ng kaligtasang tunay.

Pantas at mga henyo, sila nama'y nangingiti,
Sa mga kaalamang nilang natatarok kanilang ipinagbubunyi.
Na makakatulong sa lipunang kinakapos sa unawa,
Karunungan nilang taglay ibinabahaging may tuwa.

Subalit hindi lahat ay positibo ang layon at hangad,
Maraming mga taong sa pag-gawa ng kasamaan ay bilad.
Panlalamang sa kapwa, mga hindi makatuwirang gawi,
Karahasan ay ikinalat at labis na pagkamuhi.

Pag- ibig sa puso ay hindi kailanman nadama,
Dahil ang niyakap ay ang kasamaang dumidikta.
Ikinaliligaya nito ang mga yugtong may hiningang na pupugto,
Ang karangyaan nang mundo ang tanging pinahahalagahan niyang totoo.

Katotohanan at walang makakatutol, magkakaiba talaga ang bawat isa sa atin,
May kanya- kanyang kulay, adhikain at pangarap na gustong marating.
Anupa't ang kahalagahan at ang tunay na dahilan kung bakit tayo'y umiral sa mundong ito'y tila iilan lang ang naka-unawa,
Ang lahat ng ito ay magiging barometro at sukatan pagsapit nang panahong huhusgahan na tayo sa ating mga ginawa.


XD/  09. 10. 2018
4:28 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now