# 50 MASAHOL PA SA KAPANGITAN

6 0 0
                                    

Masahol pa sa kapangitan

Eno naman kung di ka kasing ganda ni Liza Soberano,
Ano naman din, kung mukha mo'y parang sapatos ng mga Italyano.
Makuntento ka na at magpasalamat, dahil wala kang kapansanan,
At mas maginhawa sa iba ang buhay mong kinalalagyan.

Tignan mo nga yang balat mo na kahit di kaputian,
Pero makinis naman at walang peklat na mababanaagan.
Swerte mo na yan dahil yung iba ang legs ay kadiri,
Binalot na nga ng galis, pagtumayo pa'y parang sakang na bibe.

Hindi mo na rin kailangan pang maging lookin' tisay,
Dahil OK na OK ang kulay nang mga babaeng pinay.
Aanhin mo ang kaputian pero katawan naman ay pumuputok,
Na hindi makayanan lapitan, dahil ang amoy ay parang ebak na bulok.

Kung buhok mo'y kinky o kulot, huwag yun gawing big deal,
Huwag kainggitan yung mga shampoo models dahil di sila for real.
Maganda ngang pagmasdan yung hair nila pero peke yon,
Be proud kana sa buhok mong tunay at walang lice nation.

Ang kagandahan naman talaga ay nasa tumitingin,
Maaring ang panget sa kanya, sa mata mo nama'y isang beauty queen.
Kaya balewalain mo na lang yung mga taong masyadong nega at mapanghusga,
Ang totoo mas masahol pa sila sa kapangitan, dahil sa masamang ugaling meron sila.


XD/ 05.07.2018
7:38 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now