#25 HUKAY

6 0 0
                                    

Ewan ko kung makaka-ahon pa ako sa kina hulugan kong hukay,
O sadyang tuluyan ng mabaon at sukuan na ng buhay.
Pinag munian kong ganap ang mga ginawa't ginawi,
Saan nga ba nagkulang kung bakit ako ngayon ay sawi ?

Hinanap ko ang palad subalit ito'y naging mailap,
Di naman inasam matayog na pangarap.
Sapat na ang pagpapalang para sa isang araw,
Buhay na payapa ang masayang sigaw.

Subalit lahat ng iyo'y naging isang parusa,
Ang karimlan ang naghari dilim ang nakita.
Pag luha'y di mapuknat sa pighating sumaklob,
Walang nag-amot ng habag upang mapayapa ang loob.

At ngayon nga'y nakatiklop na at durog,
Bakit kalapastangan pa ang kanilang haing handog.
Sa katahimikan ng lubhang paghihikahos,
Yaong mga demonyo ay tuloy lang sakin sa paghambalos.

Sadya nga bang may nilalang na sukdulan ang sama,
Ang pagdurusa ng iba sa kanlay pagpapala.
Itataas ko na ang kamay ko at kalabitin na yaong gatilyo,
Hindi ako tututol kung ang dugo ko ang nais nyo.

Panibugho tila sa puso ko'y bilang,
Pagkapoot tunay na sa damdamin ay kulang.
Saking kapighatian ay isang biyaya mandin,
Kung agaran nyong wawaksan buhay na ayaw ko ng ariin.

Kahit sa ano pang hukay ako ay mabaon,
Wala na yong halaga kundi kung saan ang destinasyon.
Kung sakaling sa kalaliman din ako ilalagak,
Okey lang dahil tiyak kasama ko dun ang mga animal at masaya kong ipagdiriwang ang aming pagkapahamak..*

XD/may 29 2017
4:02 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon