Pasko
Ang kahulugan ng pasko ay si kristo,
Kahit takdang araw ng kanyang kapanganakan sadyang di tanto.
Subalit ang mahalaga ay ang mabatid,
Na siya'y tunay na isinilang upang mabuting balita ay maihatid.Kaya hindi mahalaga ang mga magarbong palamuti't awitin,
Mga selebrasyong at mga tradisyong di likas sa atin.
Mga pagsasaya na hindi naman kasangayon ang langit,
Ginagamit lang ng mga ibang tao upang mapagkakitaang daglit.Hindi masamang ipagdiwang ang pasko at mga tao'y magsaya.
Basta lang ang tunay na kahulugan nito'y unawa nating talaga.
Na ang Diyos anak ay nagkatawang tao at ipinanganak,
Upang ang mga kasalanan natin ay kanyang matubos at nang maligtas tayo't di mapahamak.Kaya tayo may paskong isiniselebra,
Upang maging isang pagpapa-alala.
Na ang Diyos ay suma-atin at nakihalubilong laman,
Regalo niya'y walang katulad, katangi-tanging kaligtasan.Maligayang pasko isang matamis na pagbati,
Mula sa pusong nagmamahal at kumakandili.
Nang si Kristo ay isinilang duon sa sabsaban,
Libong anghel ang nagdiwang doon sa kalangitan.Kaya't ang ating hangarin ay ang kayang pagpapala,
Sundin natin ang mga aral na kanyang nilikha.
Kung di man tinamasa kaalwaan ng buhay dito sa mundo,
Kaligayahan nama'y tiyak sa paraisong langit mo matatamo.*XD/ 12.15.2017
6:29 am
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you