Chapter 9: Wear and Tear

152 2 2
                                    

Alam n'yo yung masarap na feeling 'pag naliligo ka sa ulan? Conditional yun, mas lalo na isang katulad ko na muli nanamang nag-gameover. Akalain mo yun, totoo pala na mahirap na laro 'tong Super Mario! Anyway, refresh ko memory n'yo at explain ko yung mga nangyari ah? First of allnawala nanaman yung nag-iisang taong muling bumukas ng aking kaloob-looban sa pag-ibig. Second, hindi kasi mahirap yung nasa isang airport ka na medyo malayo sa bahay mo sunod wala ka pang sundo kasi hindi alam ng mga kapamilya mo o nino man na pumunta ka dun kasi sabi mo lang sa kanila ay bibili ka ng Pepsi sa kabilang kanto, hindi sa kabilang bayanAnd finally, yung mismong maligo ka sa ulan knowing na lahat ng bagay na gusto mong sabihin ay 'di mo nasabi o kahit naparamdam man lang. And you know what? Tumagal yung pakiramdam kong yun; yung pinakawalan ko nanaman at isang tsansa na dapat ay monumental, gigantic at large para sa aking kupunan. (Not what you're thinking.) Hindi na nga ako nasurpresa na umabot yung depression kong ito hanggang MarchWhat's worse ay nalaman pa ito ng aking pinakamamahal na mommy.

"Koko, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo sa kakakalat--"

"Sorry mom! At mom 'di ako nag-gaganun, baka si Kuya yun!"

"Hala? Ano ba yang pinagsasasabi mo Koko?"

"Wala po. Sige lang po, pangaralan n'yo po ako." (Linis ang pangalan ko, boom! Kala ko kung ano na!)

"What I mean to say is, tigilan mo na yang kakalumpasay mo. Mahal ka nun, kung sino man yun. 'Wag mo sanayin yung buhay mo sa wear and tear na kapag nasira o nawala yung isang bagay, iiyakan mo na."

"Mom, wear and 'ter' yung sinasabi yun, hindi wear and 'tir'."

"Oy, alam ko yun. Pero ang kailangan mo lang malaman 'nak ay Don't shy over spilled milk. Move on. At dahil kailangan mo na ng new start, ipapamigay ko na--"

Hindi ko na pinakinggan yung huling part, kasi nga as all teens know, lahat ng mga inay ay pede na magkaroon ng kani-kanilang homily. Anyway, grabe lang makapagsalita yung inay ko. Guru lang? Pero tama nga naman siya kahit sobrang quota na siya sa mga gasgas na kasabihan eh tama yung timing ng mga sinabi n'ya, hindi katulad ko na ala-palaka pagkatapos mo i-disect at ilagay sa isang garapon. Sabog. Tama si Inang na kailangan ko nang mag-move o sige, kahit ba maghintay kahit papano pero kailangan kong maging independent kay Gumi. Kailangan kong ihiwalay ang sarili kong buhay sa buhay na gusto kong makamit kasama si Gumi. Dalawa kasing ibang bagay yun, dapat talaga paghiwalayin ko sila sa utak ko bago pa ma-"Mind = Blown"Besides, ayos na 'to, mahirap na kasi 'pag bigla akong mapagod sa kaka-emo at isang araw malaman ko nalang na nasa impyerno na ako. (Please don't.)

"Nga pala, laruin mo kaya si Baby Marvin? Yung anak nung ka-officemate ko. "

"Mom, please. At... pano nakarating dito yung bata?"

"Tamang-tama oh, balita ko nangangain ng buhok yung batang yan! Libreng pakalbo this summer. Hiniram ko lang. Hihi

"(It kinda looks like you stole her.) Mom, ayokong maging itlog, poknat o bowling ball."

"Sige na, laruin mo na yung bata. Isang paraan na rin siguro yun para matanggal kung ano mang nasa ulo mo diba? Besides, sandali lang yan, may darating din dito in two hours para ibalik na yan. Sana nga lang walang hand-cuffs."

And once again, no choice ako. Basta ba hindi ako makalbo siguro okay lang na laruin ko yung bata. At tsaka, masaya din sigurong mag-reminisce ng mga pambatang laruan. Alala ko pa tuloy nung bata ako, lagi kong nilalaro yung mga G.I Joe replica na iba't iba ang kulay. Pinoposisyon ko sila sa isang gilid sunod iisipin ko makikipag-gera yung mga toy soldiers kong yun doon sa mga ala-Gundam kong Lego na lalagyan ko ng maliit na cockpit sa loob para ilagay dun yung barbie ng kapatid kong babae na talagang kinamumuhian ko kasi nakahubad. Ang creative at hilig ko pala sa mga laruan nung bata 'no? Anyare? Simple. Nagsawa ako. At ngayon ko lang nakikita ang ruins ng kasawaan ko or whatever you call it.

It turns out na yung nilalaro pala ni Marvin na mga laruan ay yung dating mga laruan ko. I mean, sapat na sigurong ebidensya yung nakita ko yung nginatngat o kinagat kong ulo ni Scooby Doo pati yung mga nasabi kong G.I Joe at Lego kanina. Clearly, back then I held custody of said items and-- okay, medyo nagkaroon ako ng breakdown nung nakita ko sila. I mean, kahit na ganun na sila, sira-sirasabog at worn and torn, merong parte ng sarili ko na gusto silang ibalik. Wow, drama. Tama, drama. Pero ang point dito ay meron talangang mga bagay na kahit dumaan na sa "wear and tearprocess na yan at paulit-ulit ka nang binibigyang-rindi ay sila pa rin talaga ang hindi mo matatanggal sa sistema mo. Isang prueba na siguro itong nararamdaman ko kay Gumi both back then nung una niyang paglisan at ngayon na kala ko'y talagang mapapalawak ko pa talaga ang relationship o kung ano man na meron kami. 

Pero alam n'yo? Kaya siguro nag-wewear and tear ang mga iba't ibang klase ng bagay ay para magbukas ng daan sa mga bagong bagay na mas makakatulong pa sa iyo. And y'know what? Tama sila. Kasi the moment na nagbukas yung pinto ng bahay namin ay biglang binalik ko na yung mga G.I Joe ko doon sa playbox ni Marvin. Tama si mom, kailangan ko na ng new startMaybe, it isn't game over after all. 

Megumi EntirelyWhere stories live. Discover now