Chapter 2: Pastel de Ángel

333 3 1
                                    

Nakakatawa nga naman talaga ang buhay ano? Meron pala talagang mga bagay na bigla-bigla ka nalang bubulagain sa oras na 'di mo aakalain. Malay mo habang nagbabasa ka ngayon, si Sadako pala katabi mo na. Masaya yun... ata. Takbo na!

Anyway, diba't nasabi ko na si Gumi mismo nakaligtaan ko? Well, at least dati... May catch dun sa sinabi kong yun. Yung mga ginagawa't mga alaala na pinagsamahan namin nung mga bata kami, 'yun ang 'di ko kailanman makakaligtaan. I mean c'mon, kung ikaw ba naman halos lahat ng nakakahiyang pangyayari ng extremely early childhood niya nandun ka, makakalimutan mo pa ba ang taong yun? Lalo na siguro kung ang mga nakakahiyang pangyayari mga yun ay isa mga sa mga nasusunod:

- Nahubaran sa nursery

- Napagkamalang janitor si Manong Gard (yeah, Gard Enia ang pangalan niya, ang creative, sobra.)

- Nakalunok ng bubble gum kakatawa

- Napagkamalang champorado ang dinuguan

- At nahubaran ulit sa nursery habang kumakain ng bubble gum (two is better than one eh.)

Siguro nga mas hindi nakakahiya yun kung ngayon nangyari yun. Alala ko pa na grabe talaga ang sorry niya kay Manong Gard nun, nagmakaawa pa nga siya na 'wag raw siya barilin eh. Grabe lang ang tawa ko nun sunod siya naman halos mangiyak-ngiyak na. Good times, good times... Oh yeah, kung tama ako't hindi pa napupuno ng gagamba't sapot 'tong utak ko'y may binigay siya dun kay Manong Gard nung sumunod na araw. Kung tama ang pagkakaalala ko, parang puto ata? Oh waitYung cake! 

Mahilig sa cake yung si Gumi. Mas lalo na yung Angel Cake nung Español na si Aling Esperanza dun sa pagtawid ng tulay malapit sa amin. Iniinis pa nga namin dati yun eh.

"Me Gusta tabachingching" yung sasabihin ni Gumi, sunod ako hahalaklak lang ako't sasabihin na mataba siya at patuloy pang nagiging globoKahit pati kami mismo hindi namin naiintindihan yung sinasabi namin, maiinis siya nun pero 'la naman siyang magagawa, suki kami eh kaya't tanggapin niya nalang na dapat magbago na siya ng profession kasi seryoso ewan ko talaga kung bakit gusto ni Gumi yung Pastel de Ángel aka angel cake niya. Or mag-workout siya, kung san siya siguro nasasayahan 'wag lang talaga yung paggawa nung mga angel cake na yun. 

Pagkatapos namin bumili ng angel cake, doon kami mauupo sa isang puno na malapit dun sa isang pwesto na direktang katapat ng isang ilog. Maduming ilog pero mapagtitiyagaan na kasi maraming tumatalon na mga bata, you get the point. Pagkaupo niya, mabilis niyang bubuksan yung parang tupperware na lalagyanan nung cake sunod kakain na. Minsan nag-aalok, minsan sinusugapa't nilalaspagtangan, depende sa gutom niya pero okay lang, hindi naman ako fan nung kinakain niya eh. Hindi ko na nga maalala yung lasa nung cake na yun eh. Isang beses ko lang kasi siya natikman, pero sa pagkakaalala ko, hindi ko siya nagustuhan. Durian-flavor siya sa akin with all due respect sa astig na pangalan ng durian of course. Ang naalala ko lang yung puno na pinagtatambayan namin nun. Tawag namin sa kanya Sakura kahit puno siya ng mangga. Lapit 'no? Na-iinspire lang kasi kami dun sa lagi naming pinapanood. Pati ata yung kagustuhan niya sa mga cake dun niya nakuha if you know what I mean

Pero ano nga bang significance nitong cake na 'to sa akin? At bakit nga ba nagre-rave ako masyado dito sa isang pagkain na 'to na ako mismo'y ayoko na matikman muli? Simple lang yan. May pabor kasi na hiningi sa akin si Gumi nung mga bata kami, and as I've said, 12 years ago na 'to kaya baka mali na ako sa pagkakaala. 

"Koko, walang kalimutan ah?"

"Oo naman Gumi, 'bat kita makakalimutan?"

"Eh kasi makakalimutin ka eh. Yung pangako mo ngang angel cake nakalimutan mo na eh!"

"Oo nga. Hayaan mo, 'pag balik mo dito sa bakasyon ibibili kita! Promise!"

"Promise yan ah? Ay, tawag na 'ko, bye Koko! Sa bakasyon ah!"

"Sa bakasyon ah Gumi? Akin nalang 'tong naiwan mong chiz curls ah!" (lamog na pala siya, saklap lang dre)

Ang problema, pareho kaming hindi bumalik nung mga sumunod na bakasyon. Mas malalang problema, hindi na kami nagkita ulit (that changed yesterday though) at ang pinakamalaking problema, hindi ko natupad ang pangako ko. Makakalimutin nga talaga ako. Eh 'bat naman kasi siya hindi bumalik nung sumunod na bakasyon? Eh 'bat naman kasi hindi ko naalala yung angel cake? Isa lang nga pala kasi ang naalala ko nung mga oras na yun. Yung kagustuhang makita ko siya muli... Maaring ma-drama pero yun talaga. Para bang, Gumi or no dice.

Megumi EntirelyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora