Chapter 3: The Trigger

258 1 0
                                    

Iyun umalis na si Gumi, umalis na rin ako. Tapos na ang storya? Asa! Oo, alam kong short story 'to, pero 'di naman ganyan ka-skit length ang kakulangan niya sa pahina! Last ko na yon. Anyway, sabi ko nga sa inyo diba? Ako or rather tayo ang gumagawa ng sarili nating destiny kaso meron kasing mga bagay na mahirap pigilan eh katulad ng pagfe-facebook o pagti-twitter, pantritrip sa isang taong aanga-anga at syempre ang pagiging wholesome. Ganyan tayo kabait at kainocente eh. At least, feeling natin. Sa buong buhay ko though, isa lang talaga ang 'di ko napigilan. At iyon ang kamatayan ng mga taong napakalaki ang ibig sabihin sa akin. 

Kahit ba kasi sabihin natin na apat na taong gulang palang ako nun, nagkakaroon ako ng malalim na sugat 'pag may namamatay na kamag-anak, mahal sa buhay o kahit tindera sa kanto. Hindi naman sa pa-FCfeeling close ako sa kanila pero iba ang tama sa akin ng isang taong hindi na makakakain ng mga masasarap na pagkain at kailan man ay hindi na makakahinga. For heavens sake hindi ako necromancer, hindi rin naman bukas ang third eye ko. Iba lang talaga yung nararamdaman ko sa mga dedo't deadz na pero sa lahat ng namatay na kakilala ko nung mga araw na yun na sobrang tagal na talaga ay siguro ang taong pinakanagkaroon ako ng connection ay si Lolo Pablo.

Apolinario Policarpio Mabini Vintug dela Rosa Agsalon. Hindi mahaba, hindi din makata at mas lalong hindi pang bayani ang pangalan. Siya ay isa sa napakaraming kapatid ng aking lolo. Labing-walo silang magkakapatid. Eighteen. XVIII!  Ngayon, alam n'yo, iniisip ko nalang na kawawa si great grandmom eh. Sunod ang sipag ni great grandad but...-- moving on from that...

Noong bata pa lamang ako, si Lolo Pablo ay isa dun sa mga nag-aalaga sa akin habang wala ang aking magulang. At kung naaalala ko ng tama, lagi niya akong dinadala dun sa pier. Titingin kami ng mga banka at magiging masaya na ako nun. Baba kasi ng kaligahayahan ko eh, gumagalaw lang yung banka kung makangiti na ako abot langit, 'pag nawawala naman sila abot impyerno na yung bibig ko. Forgive me nalang, bata pa naman ako nun eh. At tsaka, 'di ba maraming nagsasabi nang isang gasgas na linya na "do what makes you happy" diba? Ginagawa ko lang yung sinabi nila kaya kaya sa mga kritiko't hypocrites, ma-constipate sana kayo hanggang birthday n'yo!

Anyway, si Tatay Pablo ay isa sa parang mentor ko nung bata ako. Lagi niya ako kinekwentuhan ng mga pabula, parabula at kwentong pang-bola kahit minsan medyo kwentong barbero't basta may ma-kwento lang. Na-aapreciate ko ang ginagawa niya though. Sa kanya ko din kasi siguro nakuha na "effort is essential to achieve something in life" na hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin. Iba kasi ang approach niya sa buhay at akala ko'y lagi na akong magkakaroon ng isang taong titignan ang lahat ng ginagalaw ko't pinagsasabihan ako kaso nga lang meron talagang mga bagay na 'di inaasahan na talagang ikinakagulat natin.

Nung magli-limang taong gulang na ako, si Tatang Pablo ay nagkaroon ng malubhang sakit. Well, hindi naman siya ganun kalubha na gulay nalang si Lolo Pablo, malubha lang siya kasi may time-limit na ang buhay ni Lolo Pablo. Akalain mo yun, at a snap of a finger, isang pikit, dura, talon, giling at talikod mo lang bigla-bigla nalang mawawala yung isa mong minamahal sa buhay! Mas lalo na eh isa pa siyang tao na talagang nagbigay sa'yo ng isang talagang nag-aayos ng mukha na ipapakita mo sa tao. Mahirap tanggapin kasi nandyan na eh, nakalatag na ang mangyayari, pede i-prolong ang buhay n'ya kaso hihina lang siya lalo and what's worse ayaw niya. Heto yung malabo-labong conversation nila:

 "'Tay, sigurado talaga kayo na ayaw n'yong magpa-dialysis? Balita ko madadagdagan kayo ng mahigit-kumulang limang taon 'pag ginawa n'yo yun.

"Dialysis? Balita ko masakit yun, 'wag nalang... At tsaka, handa na akong mamatay. Pero syempre, gusto ko mamatay sa sarap kaya papa-inom ako!"

"Tatay naman! Gusto pa namin ka'yo manatili dito..."

"Eh anong magagawa ko? Eto na eh. 'Wag mong pigilan kung ano ang mangyayari sa'yo. At tsaka, padala kayong babae na naka-rabbit ah? Emperador, Happy Horse at lahat ng alam n'yo! Sagot ko!"

Tigas ng panga ni lolo grabe. Akalain mo, yun yung sinabi niya sa ospital nun, at least kung tama ang kinuwento sa akin ng aking ina na makakalimutin din katulad ko. Mas malala pa ata dahil 'di naman ako nakakakalimot na suot ko pala yung salamin ko! Travesty! Anyway, moving on, nakwento din sa akin ng aking inay na pinilit pa raw ng mga anak ni Lolo Pablo na magpa-dialysis siya. Isang low point ng pamilya namin 'to kaso never sumusuko yung pamilya ko. Lahat ng pustahan, pusta lang ng pusta. Sama mo na ang pagalingan mag-sinungaling, kompetisyon sa pabilisan mag-sipilyo at syempre ang pagalingan sa tetris. Kaso merong bagay na sinabi si Lolo Pablo na talagang nag-silence sa mga anak niya. Silence as in humagulgol at hindi na muling kumibo. Kawawa naman... Ang hirap din kasing isipin na sasabihin yun ng isang tao na hindi sumusuko at alam lang ay magbasag-ulo at uminom ng Red Horse, Matador at Vodka pero sinabi niya ang kailangan niyang sabihin at anlaki talaga ng naging impact nito sa pamilya namin. "He pulled the trigger upon himself" ika nga ng aking inay.

"Tay, 'la nang biruan. Hinihingi lang namin ang blessing n'yo eh. Um-oo na kayo oh..."

"Alam n'yo, tigilan n'yo na ako. Ako na nga 'tong hindi nagpapahirap sa inyo eh. Sayang pera sa gamot na yan. Alam n'yo, kesa magsayang kayo ng pagkarami-rami sa dialysis, handa n'yo na yung kabaong ko o kaya mag-enjoy kayo sa buhay n'yo! O gusto n'yo wala ng kabaong, ihukay n'yo nalang ako sa likod ng bahay namin! Tutal matanda nanaman ako at marami na akong nagawa sa buhay ko, kayo nagsisimula palang. Fulfilled ako, masaya at tanggap ko na kaya mag-enjoy kayo, try n'yo naman na mahiga at 'wag mamroblema paminsan-minsan diba? Mabuhay kayo."

Wow. Hindi madrama seryoso. Hindi din puno ng sense. Pero in all fairness tama ang sinabi ni Lolo Pablo, kesa problemahin natin ang isang bagay na wala nang kapagapag-asa, hanapin nalang natin ang mga bagay na pede pang salbahin. Mahirap naman kasi diba kung nakain na yung hopia, sunod ipapasuka mo sa tao para makain mo diba? Tama na siguro yung magpalibre ka nalang ng hopia sa susunod kesa naman problemahin mong 'di mo nakain yung hopia. Exaggerated, alam ko, pero totoo yun. Mas okay na sigurong minsan, i-pull natin ang trigger para sa ikabubuti ng sinapupunan...

Megumi EntirelyWhere stories live. Discover now