Chapter 5: Isang Malaking Sorry

190 1 0
  • Dedicated to Codename: Ned
                                    

"... Kaya minsan hirap tayong mag-sorry class. Kasi 'di natin matanggap na may mali tayo! Pinapairal natin ang ating pride!"

Before may makwento pa ako na 'di karapat dapat ikwento dahil nga sobrang napaka-random ng storya kong ito, iyang medyo-quote na nakikita n'yo ay sinabi ng aking English teacher noong siya'y lasing na pumasok sa klase namin. I'm kidding. Mahilig kasi sa mga kasabihan yang teacher ko na yan. Ang masama pa doon eh mahilig din siyang magpasulat ng essayMahahabang essay. 'Di ko naman masasabing ayaw ko yun. 'Di ko rin naman masasabing gusto ko. Think of it this way, everyday siya nag-sesesermon ng mga ganyan. Well, 'di ibig sabihin din nun eh everyday din kami mag-eessay diba? Nasaan ang umay. Buti nga sana kung related sa lesson eh... Pero related lang pala sa mga political, psychological, psychological at bacterial beliefs ni Ma'am Mia. Yeap, apelyido niya yun. Ma'am Maria Margarita Mia is her name, "Mama Mia" for short. Ang creative talaga gumawa ng mga pangalan dati 'no? Anyway, enough na sa pantritrip kay Mama Mia (titigil na po) mismo, let's dive a bit deeper shall we? 

Naaalala n'yo pa ba yung isang papel na binanggit ko? Dito na magkakaroon ng ibig sabihin yon. And eto na siguro ang magpapatibay na nag-mature na ako sa aking pakikitungo sa mga takteng-selfish, madaling masaktan at sobrang naka-- babae. As I've said kasi before dito, wala akong kwenta makipagtungo sa mga babae. Talo pa ako ng aso pero the point is, pinilit ko. Ang masama nanaman dun, hindi dahil kay Gumi, kundi, dahil kay Cassie. Remember her? Nahulog kasi ako sa kanya eh. Naging close kami and stuff? Well... nagkakamabutihan na kami at this point. Imaginin' mo, 10 months 'to before makita ko si Gumi pero bakit ganoon? I'm still miserable at best today? Hindi naman ako destined na maging forever alone diba? Pero bakit parang nasira pa ang lahat ng dapat na maayos na eh konti na nga lang 2nd ba-- este okay na? Well here's how it goes. One hint though: Pag-amin.

"Hey. May I have this dance?"

"Ano ka ba, Koko, of course! San tayo? Gitna? Gilid? Sa taas ng stage? Sa ilalim ng stage?"

"You tell me. Basta ba maisayaw kita-- ILALIM? Seryoso ka?"

"Oy, Koko Crunch. 'Wag ka green, nagloloko lang ako. Tara na! Dumadami na yung tao sa dance floor! Baka mapipi tayo ng 'di oras! Payat ka pa naman!"

"Hey, I resent that. Parang pagkataba-taba mo ah!" 

And before I knew it, there we were, sumasayaw na kami ni Cassie sa gitna ng maraming tao. Marami-raming awkward laughing and dancing ang nangyari sa dance lesson na yon... at least bago ko masabi ang salitang akala ko'y isang beses ko lang masasabi sa buong buhay ko. And presumably pa nga, sa asawa ko kung pede. Pero biglang lumabas eh... And it felt... awkward. 'Di mo kasi alam kung totoo ba o peke yung nararamdaman mo.

"Hey, may sasabihin sana ako sayo..."

"Koko, 'wag kang ganyan... Mas bagay kang lalaki kesa beki!"

"Saklap naman ng joke mo ate."

"Joke lang! Ano ba kasi yun?"

"Eh... kasi..."

"Ano na? Koko, 'wag ka ganyan, baka mahatak ko sa dila mo--"

"Cassie, mahal kita. At gusto kong malaman mo iyon. I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi. Pasensya na rin at biglaan..."

Megumi EntirelyWhere stories live. Discover now