Prologue ~

974 10 6
  • Dedicated to Codename: Megumi
                                    

Destiny. Isang salitang ang ibig sabihin ay sadyang may nakatalaga ng pangyayari sa iyo. Poknat  ka raw 'pag kinontra mo pa ito. Sinabi kasi nila na 'pag kinontra mo raw ang destiny masisira ang buhay mo. Mawawalan ka rin ng landas! Maghihirap ka! At higit sa lahat, magiging single forever at forever alone! (Yeap, that harsh) Syempre, sino ba naman ang gustong mag-isa hindi ba? Siguro yung mga sadyang loner na pero sabagay, lahat ng tao kailangan ng oras para magsalita, kahit gaano ka pa ka-pipi siguro, expression is always of the essence.

At iyun, quota na ako sa mga kasabihan ng mga taong patay na. Seryoso, sobra na. 

Kaya ngayon, ako naman ang magshe-share ng aking mga natutunan tungkol sa destiny. Na sa loob ng labindalawang taon na hindi ko nakita si Gumi, ang siyang babae na masasabi kong na like-at-first-sight  ako ng 'di oras, ay hindi ko alam kung ano talaga ang patutunguhan ko. Ni hindi ko nga alam kung mahal ko ba talaga yung tao o hindi eh. At higit sa lahat, 'di ko alam kung sadyang destiny ba talaga o yung sabog-sabog kong pagpapantasya't pag-iisip ang umiiral.

Hay. Hirap talaga magmahal 'no? Pero dahil kay Gumi ipipilit ko lahat. At sa kwento kong ito'y ipaparamdam ko sa inyo ang paniniwala kong may such a thing as Destiny ngunit 'di ibig sabihin ay dapat mo itong sundin lagi. Alalahanin, Life is a box of-- ay, quota na pala ako. Basta ang kailangan n'yo lang malaman ay ginawa ko ang lahat para i-prove na tayo rin mismo ang gumagawa ng destiny natin. Every villain is lemons yang si destiny eh, kailangan din labanan. 

Kaso ang tanong, kakayanin ba? 

Megumi EntirelyWhere stories live. Discover now