Chapter 71: One more time

3K 92 4
                                    


Ryu's POV

Naramdaman ko nalang na merong dumampi sa mukha ko.

Hinahalikan ba ako ni Kyo? Ang sarap naman sa pakiramdam hehehe.

Nakita ko si kyo na lumapit sa akin. Niyakap ko pa siya at humarap siya sa akin.

Kahit saan mo siya tignan, sobrang ganda talaga niya.

Namiss ko yung pagkakayakap niya sa akin. Yung yakap na hinahanap hanap ng katawan ko at hinding hindi aayawan ng katawan ko.

"Ryu sorry pero hindi na kita gusto..." Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Medyo naging slow ang utak ko tanggapin yung mga sinabi niya.

Sinabi niya ba talaga na hindi niya na ako gusto?

Niyakap ko ulit siya. Ayun lang ang nagawa ko. Pinilit kong magsalita, para kasing umuurong yung dila ko.

"Wag mo akong iiwan. Please hindi ko na makakayanan kapag iniwan mo pa ako ulit" humagulgol ako.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Sobrang sakit..

Humarap siya sa akin. "Marami pang babae ang karapat dapat sa pagmamahal mo ryu. At yung babaeng yun, hindi ako yun. Marami ka pang makikilala na mas magmamahal sayo. Marami pang tao sa mundo ryu, marami ka pang makilala." niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi! Hindi ko kaya yung sinasabi niya. Baliktarin mo man ang mundo ko, hinding hindi ko siya papalitan!

"Hindi kyo. Wala na akong makikilala ng mas karapat dapat pa sayo. Please nagmamakaawa ako sayo. Wag mo kong iwan ng ganito." Tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sakanya.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo yun. Wala na akong nararamdaman para sayo-

"Hindi! Hindi yan totoo. Nararamdaman ko na meron ka parin nararamdaman sa akin. Kaya please. Gagawa ako ng paraan para lang magustuhan mo ulit ako. Bigyan mo lang ako ng chance para patunayan ang sarili ko sayo, na deserving pa ako para sayo. Na deserving pa ako diyan sa puso mo" Lumuhod ako sa harapan niya. Pero tinanggal niya agad yung mga kamay kong nakahawak sakanya at tumakbo siya palayo sa akin.

Tumayo agad ako at hinabol ko siya.

Hinding hindi ko na makakayanan na iwan niya ulit ako.

"Kyo wag mo kong iwan! Kyo! Mahal na mahal kita! Kyo!" Sigaw ko ngunit hindi niya parin ako nililingon.

Hanggang sa nakaramdam ako ng pagod at muling napaluhod dahil sa pagod. Sinusubukan kong tumayo pero hindi na makayanan ng mga paa ko.

Sinuntok suntok ko ang mga paa ko dahil ayaw nilang tumayo!

Peste! Tumayo ka please!

Iniwan niya nanaman ako. Ganito nalang ba lagi? Lagi nalang ba akong masasaktan ng ganito?

Napatingin ako sakanya. Pinagmasdan ko siya kung paano siya mawala sa paningin ko.

"Ryu, salamat" ngumiti siya at muling tumakbo palayo sa akin.

Iniwan niya nanaman ako. Bakit ba lagi niya akong iniiwan? Bakit ba mas gusto niyang umalis kaysa manatili sa tabi ko? Bakit ganito?

"Waaaah!" Napabangon ako.

"Ryu. Okay kalang ba?" Napatingin ako sa nagsalita.

"K-kyo?" Niyakap ko agad siya. Nakaupo kasi siya sa tabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko totoo na iniwan niya na ako.

Humarap siya sa akin at may pinunasan siya sa pisngi ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon