Chapter 14: Friends

3.4K 108 1
                                    

HINDI!!! HINDING-HINDI talaga!
Bakit ako natutukso sa inyo, ayoko...ayokong pumayag.

Please lang tukso layuan mo ako. Nakapag desisyon na talaga ako, hindi ako papayag sa offer niya sa akin. Alam kong matagal na akong hindi nakakain ng sweets, pero hindi parin ayan ang rason ko para pumayag ako sa gusto niya. Tama zoey, hindi ka papayag sa gusto niya. *Tango-Tango*

"Sige payag na ako"

Haist! Kakasabi ko lang na hindi ako papayag ah, hay naku zoey pagdating talaga sa matamis sumusuko kana agad. Malamang minsan na nga lang ako makakain ng matamis, tatanggihan ko pa yung grasya!

Pero teka? sino naman nagsabi sakanya

"Sabi na nga tama yung best friend niya e. Yung Kaine Navarro ata yun" tumango-tango pa si Blaze.

HA?! ANO?!

"Buti talaga nagamit mo yung charm mo dun Blaze, hahaha" nakipag apir pa si Red sakanya "Syempre, ako pa ba?" Tinaas niya yung dalawang kilay niya at nag pogi pose siya tapos kumindat

Ano? kinausap nila si Kaine? Paano? at kailan? Teka! nasan na ba kasi yung babaeng yun? Isip-isip.

*TING!*

Hanggang sa naalala ko yung sinabi niya sa akin. Napatingin ako sa wrist watch, 3:00pm na ng hapon at sa mga ganitong oras din siya nag prapractice na mala lastikang babae. Kasama kasi siya sa trinatrain na maging member ng pep-squad for college, nakakamangha nga dahil akalain mo meron pala siyang ganun na tinatago na galing. Kaya ngayon bihira ko nalang siyang makasama, saklap huhuhu. Pero sabagay hindi ko naman kasi siya madalas nakakasama talaga hay I miss you bespren.

Pero bakit niya kaya sinabi sa mga to kung ano yung mga favorites ko? Dahil dito kay Blaze? Hayy, pati ba naman siya nabulag narin ng lalaking to? Sa bagay hindi na ako magtatakang sagutin ni Kaine yung mga tanong ni Blaze, dahil nga isa siyang loko-lokong mahilig mamilog ng ulo, papaikutin ka niya sa mga salita niyang mapupungay tapos at the end....

NO!!!! OA lang ako guys hahahaha, sorry na agad. Naku, wag lang talagang ma inlove si Kaine dito kay Blaze kung hindi masasampal ko siya, kahit bespren ko siya kailangan ko siyang sampalin sa katotohan na isang womanizer ang gugustuhin niya.

Marunong naman ako mag bake, kaso wala lang talaga akong oras ngayon. Tsaka sa sunod-sunod ba naman na araw na nangyayari sa buhay ko, magagawa ko pa bang mag bake? Kung puro assignments ko at nila ang inaatupag ko sa buhay ko ngayon? Nagbigay nanaman kasi si Alien ng assignments niya kanina, ewan ko lang itong mga ito kung meron ba silang mga assignments. Haaayyy

Red Snapped his fingers, nagulat nalang ako ng lumitaw sa gilid namin ang isang lalaki at inilapag yung dalawang box ng cake sa harap ko.

(OwO) Naglalaway na ako dito oh..

Pwede ko na ba tong buksan? Hindi kaya box lang to? O baka naman joke time lang to?

"Thanks, you may go" utos niya dun sa lalaki at umalis yung lalaki.

Saan nanggaling yung lalaki? alam ko na sa gilid siya galing pero paanong? HALA! Wag niyong sabihin na merong ninja dito? Kakaiba talaga itong school na to!

"Ayan na, paunang-

"Wow mukhang masarap to ah" kinuha ni Alien yung isang box ng cake, bubuksan niya na sana yung box kaso bigla siyang pinigilan ni Blaze. Kinuha ni Red ang dalawang box ng cake at inilayo niya ito sakanya. Tama lang yung ginawa ni Red, kasi Akin yun e. Cake ko yun! Tapos kakainin lang ni Alien tsk.

Cake ko na yun, dahil binigay nasa akin yun ni Red hehehe

Kapal ng mukha nitong lalaking to, dapat sakanya sinasapak sa mukha e. Para magising siya na sa akin talaga yun, hindi sakanya. Walang sakanya! Lalong-lalo na pag cake ko na ang pinag-uusapan dito!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon