Chapter 27: Girlfriend

3.6K 100 1
                                    

Zoey's POV

Iniisip ko parin talaga yung mukha ni Maru ngayon. Hihihi kaso kasi... Dapat talaga mahahalikan na ako ni maru e! Kaasar naman kasi itong si Alien, kahit kailan talaga yung alien na yun panira ng moment! Bigla bigla nalang umeeksena sa aming dalawa ni maru. Packing tape talaga siya.

Noong una yung mag iindirect kiss kami ni maru kaso hindi natuloy dahil kinuha niya yung kutsara... Tapos yung isa naman. Yung kanina nung nasa clinic kami, alam mo yun? Malapit na e, sobrang lapit na e.. Tapos bigla biglang darating si Alien psh! Anak ng letchugas naman oh!

Alam mo yung feeling na andun na... Kaonting kembot nalang e mahahalikan kana niya e! Tapos bigla bigla ba naman siyang papasok sa kwarto psh. Kaasar talaga! Badtrip! Argh!!

Narinig ko na nag bell

Nag-unat muna ako.

Waaah! Sa wakas natapos din ang araw nato, makakauwi na ako ngayon. Feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Ano bang nangyari sa akin ngayon? Bakit parang pagod na pagod ako? Nadapa lang naman ako, tapos nagkaroon ako ng bagong kakilala at ayun si Cath, tapos tinulungan ako ni Maru, tapos muntik na kaming mag kiss. Argh! Sayang talaga!

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung score ko sa history. Sobrang late na ako nun, buti nalang at good vibes si Sir De leon, kung hindi naku! Hindi na ako nakapag quiz sakanya. Wosh! Buti nalang talaga oh!

Out of twenty items.. Of course perfect ako! Wahahaha, syempre naman ako pa ba? Hihihi sabi ko sainyo e makakapasa ako doon e, ay teka meron ba akong sinabi sainyo? Hahaha ewan ko ba!

Tumayo na ako at kinuha ko na agad yung bag ko.

Haist sa wakas makakauwi narin ako.

Nilibot ko ang mga paningin ko sa paligid, aish! Naiwan nanaman ako mag-isa. Sabagay sanay naman akong mag-isa e! You know, walang kasama hehehe.

"Hoy Sugpo!"

"Ay dalawa!" Napahawak ako sa dibdib ko. What the fudge, kailan ba to hindi mang gugulat ha!

Ano nanaman kayang kailangan nitong lalaking ito? Sa tono ng pananalita niya, parang may kailangan siya sa akin ah.

Uh-oh! Mukhang hindi pa ata ako makakauwi...

Mabilis akong lumabas ng classroom ng biglang napahinto ako sa paglalakad ko ng bigla niyang hilain yung bag ko.

What the fudge naman oh!

"Sumama ka sa akin, meron akong ipapagawa sayo"

Hinila niya yung kamay ko.

Waaah!! Bakit? Anong ipagawa niya sa akin? Wag mong sabihin na... Chos lang hehehe, ayoko maging green minded ngayon. Bait bait ko kaya hehehe.

Nag tungo kami sa may kwarto.. Yung kwarto na tambayan nila. Ano kayang meron? Bakit niya ako sinama rito?

Hindi kaya... Waaaah!!!

"Upo ka na muna kaya?" Napakurap nalang ako, ayyy uupo ako? Hindi ba aalis din agad ako?

Umupo nalang ako at tumayo naman siya at umalis.

Kita mo tong lalaking to, sinama sama ako dito tapos iiwan din naman pala ako.

Ilang segundo ang tinagal niya bago makabalik.

"Oh heto" nilapag niya sa harapan ko ang isang ballpen at limang piraso ng papel. At meron tatlong librong kasama

Ano namang gagawin ko dito?

Psh...

"Anong gagawin ko dito?" Kunot noong tanong ko saknya

"Ano pa ba ginagawa sa papel at ballpen? Malamang yung papel susulatan at kailangan mo ng ballpen para makapagsulat ka.." Napailing -iling pa siya

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon