Chapter 46: Seffy's Wish

2.1K 71 0
                                    

Seffy's POV

Ow my goddness! How I miss him.. Yeah, tama ang pagkakabasa niyo.

Namiss ko siya sobra, mas namimiss ko pa nga siya kaysa dati kong sarili. It's been 4 years narin pala noong huli naming pagkikita.

At ngayon nakita ko nanaman siya wala parin talaga siyang pinagbago.

Gwapo parin siya, cute, pointed nose, red parin ang lips nito, at higit sa lahat mas lumaki ang katawan niya. How I miss his sweet kiss, and hug na hindi mo aayawan.

Siya parin yung lalaking minahal ko ng pitong taon.

Nagtataka ba kayo kung bakit pitong taon?

Simula elementary palang ako ay crush na crush ko na siya, simula noong nerd palang siya ay crush na crush ko na siya.

Cute, mabait at matalino kasi siya. Kaya ko siya naging crush, at mas lalo ko siyang naging crush simula ng makita ko siyang maglaro ng Basketball. Totoo nga yung sinabi nila, na nakakalakas ng appeal ang paglalaro ng basketball.

Sakanya ko kasi unang naramdaman yung love at first sight at kung paano tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita siya.

Hindi niya ako masyadong napapansin dahil hindi naman ako masyadong halata sa mga kilos ko. Masyado kasi akong bantay sarado sa mga kilos ko, kaya ganito hindi niya napapansin na may nagkaka gusto na pala sakanya.

Hindi ko naman maitatanggi na marami akong manliligaw, at lahat ng manliligaw ko ay binabusted ko dahil may hinihintay akong manligaw. Pero alam ko kung bakit nila ako nililigawan, dahil sa gandang tinataglay ko, katawan ko na pang miss universe at sa katalinuhan ko. Sino ba naman ang hindi manliligaw sa isang Seffy Oliveros diba? isa sa mga ultimate crush ng mga kalalakihan sa school.

I sigh

Pero may hinihintay lang talaga akong isang tao na gustong gusto kong manligaw sa akin.

At ayun si Ginebra Cassanova. Sa pangalan palang niya, malakas na agad ang tama ko. Paano pa kaya kung manligaw siya sa akin diba? Waaah! Ako na ata ang pinaka swerte sa balat ng lupa kapag nangyari iyon.

Sobrang kinilig nga ako ng mga oras na makita ko siyang kasama ni Leon na may dala dalang bulaklak at chocolates para sa akin. Tinignan ko kunwari yunh card na nakalagay sa may bulaklak para hindi siya maka halata na kilala ko siya. Noong mga oras na yun ay gusto kong magtatalon talon sa saya! dahil binigyan niya ako ng chocolates at flowers! hihihi kaso kailangan ko agad umiwas at gumawa ng dahilan para mawala sila sa paningin ko. Kung hindi ko kasi iyon gagawin ay baka mag lupasay na ako sa sahig dahil sa kilig, dahil sa ginawa niya.

At buti nalang mabilis akong mag-isip noong mga panahon na yun, dahil nandun siya. Naiisip kong idahilan ang reporting namin, which is totoo naman na may report kami that time. Noong mga oras na umalis sila sa pinto ng room halos mahampas ko na yung katabi ko dahil sa kilig na naramdaman ko.

Hindi ko nga iniexpect na sa kabila ng pagiging nerd niya, ay mababago siya ni Leon at magiging best friend niya pa pala ito.

"Hoy ikaw seffy, ano nanamang pinagsasabi mo sa best friend ko. Ayan tuloy nasasaktan siya dahil sayo." Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Ito nanaman siya at sinisermonan ako huhuhu.

"Alam mo leon the lion.. Tigil tigilan mo nga muna ako at iniimagine ko pa nga siya eh. Panira ka naman kasi ng moment eh!" inirapan ko siya.

Hindi niyo ba alam na si Leon Rodriguez ay isa sa pinakamalapit kong kaibigan? Siya lang naman ang best friend ko simula pa noong pagkabata. Tama kayo ng nababasa, best friend ko siya at tinuturing rin siya na best friend ni Gin.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon