Chapter 50: Problem and Solving

2K 76 0
                                    


Author's POV

Nasa park sina Kyo at Red. Si kyo ay kasalukuyang naka-upo sa bench samantalang si Red ay nakatayo at nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa mga bituin.

"Pasensya ka na sa inasal ko kanina kyo." Simula ng dumating sila sa park ay hindi sila nag-iimikan, kahit nasa kotse ay walang gustong maunang mag salita. Gusto lang ni Red ng panandaliang katahimikan. Nahihiya kasi siya kay Kyo dahil nadamay pa ito sa kagagawan niyang kalokohan.

Napatingin si Kyo sakanya. Naiinis siya kay Red dahil sa ginawa niyang pagpapaiyak sa babaeng kaharap nila kanina. Pero mas pinili nalang ngumiti ni Kyo sakanya "Okay lang.  Wala na tayong magagawa dun dahil nangyari na yun." huminga ng malalim si Red

Matagal niya ng kinikimkim ang galit at inis sa puso niya. Kahit anong pakikipagsapakan niya ay hindi parin ito naaalis sa dibdib niya. Ngayon niya lang naramdaman na masyado itong bumibigat at pakiramdam niya ay papatayin na siya nito sa sakit. Masyadong na siyang nahihirapan sa mga nangyayari. Wala siyang masandalan at masabihan, dahil mas ginusto niya nalang itong itago at ibaon nalang sa limot. Ngunit sa bawat pag patak ng oras ay pakiramdam niya mas lalong sumasakit at nangingibabaw ang inis at galit niya.

"Nandito lang ako red.. Handa ako makinig sayo. Andito ako bilang kaibigan at bilang sandalan mo" Pagkasabi ni Kyo nun ay huminga ulit siya ng malalim.

Sa tingin niya kailangan niya ng ilabas ang mga nararamdaman niya dahil kung hindi niya pa ito gagawin ay baka sumabog na siya ng tuluyan.

"Alam mo ba matagal na kaming tapos.. Niloko niya ako.. Ginag*go niya ako. Binigay ko lahat sakanya. Hindi ko nga alam kung ano pa yung pagkukulang ko, pero sigurado naman akong naibigay ko ang lahat. Pero anong ginawa niya? sinaktan niya lang ako. Alam mo ba yung pakiramdam na binigay mo ang lahat pero hindi ka man lang nasuklian?" yumuko si Red. Nalulungkot naman si Kyo sa mga narinig niya, hindi niya alam na sobrang nasasaktan pala si Red sa mga nangyayari. Kaya yung inis niya kay red ay unti-unting nawawala.

Tumayo naman si kyo upang lumapit kay red at sumandal din siya sa kotse nito.

"Ilang taon na ba kayong hiwalay?" mahinahong tanong ni Kyo sakanya "Mag aapat na taon na" napanganga si Kyo dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na ganun na pala katagal ang paghihiwalay ng dalawa.

"Apat na taon?! tapos hinabol ka parin niya hanggang ngayon?" tumango tango si Red at muling tumingala. "Nakita ko nalang siya na may ka holding hands na lalaki at kitang kita ko kung paano niya halikan sa pisngi yung lalaking yun. Mukhang masaya pa sila sa mga oras na yun. At ako?" kinuyom ni Red ang kamao niya na parang nanggigil ito. Napansinin naman ito ni Kyo kaya sinubukan niya itong pakalmahin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. Kumalma naman ang si red noong mga oras na hinawakan ni Kyo ang kamay niya.

"Anong sabi niya sayo? bakit niya daw ginawa yun? hindi naman ibig sabihin na nakita mo silang dalawa na may ginagawang something eh tama na yung iniisip mo" Napatingin si Red sakanya. Iniisip ni red na baka pinagtatanggol o kinakampihan niya lang ang ex-girlfriend nito.

"I just broke up with her. And I don't need her fvcking explanations" nagulat naman si Red ng biglang hampasin siya ni Kyo ng pagkalakas lakas sa braso niya. Gustuhin niya man sampalin ang kaibigan ngunit mas ginusto niya nalang na hampasin ito sa braso. Naisip niya kasi na masyadong mabigat ang kamay niya para sampalin ang kaibigan.

"WHAT?! hindi mo man lang siya hinayaan mag explain?!" bakas sa mukha ni Kyo ang pagka inis ngunit mabilis namn itong napalitan agad ng mahinahon na mukha at tumingala siya sa langit. Ayaw ni Kyo na makipagsabayan sa inis na nararamdaman ng kaibigan, kaya sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. 

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon