Chapter 47: Explanations

2.1K 65 0
                                    

Red's POV

P*nteya! Ayan lang ang masasabi ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakarami na pala ako ng inom kagabi. At uminon din ako kaninang umaga ng walang laman ang tiyan.

At nakita ko nanaman si Janine. Sa tuwing nakikita ko talaga siya, parang bumabalik yung sakit na ginawa niya. Alam niyo ba yung pakiramdam ng nagmahal ka ng sobra, pero ang ginawa niya sinaktan ka lang niya? Mag aapat na taon narin pala noong nakipaghiwalay ako sakanya.

Nakarami na nga ako ng inom kagabi mukhang madadagdagan pa ata kapag uminom ako ngayon. Nasa bar ako ngayon, at nakikita ko nanaman si Janine sa harapan ko.

"Red can we talk?" Tinignan ko lang siya ng seryoso

Anong gusto niyang pag-usapan namin? Tapos na kami diba? I mean MATAGAL na kaming tapos at hindi ko kailangan ng explanation niya.

"I don't have a business to you. Diyan kana" tumayo ako at pumunta ako sa stage. Tutugtog ako para mawala yung badtrip ko.

Hindi ko pa nga nakakalahati yung yosi ko pero naitapon ko na agad ng wala sa oras. Kainis! Bakit ba kasi lagi nalang tong nagpupunta dito eh. Hindi ba to hinahanap sakanila?!

"Teka! Red sorry.." Hinawakan niya pa ako sa braso ko. Nilingon ko siya ng walang reaksyon ang mukha.

Sorry? magagamot ba lahat ng naramdaman kong sakit kapag nag sorry siya? Hindi naman diba?! Damn it! Naiinis na ako! Bakit sa loob ng ilang taon, panay lang ang sorry niya? Bakit ba kasi nabuo pa yang salitang yan! Nakakainis na! sorry sorry sorry.. Ayan nalang ba lagi kong maririnig mula sakanya?!

Pumikit ako at tsaka ako huminga ng malalim. Sinubukan kong pakalmahim ang sarili ko tsaka ko siya tinignan.

"Can you just give me a minute? Please?" Tinignan ko lang siya at tinanggal ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Para saan pa? Makita mo siyang may ka Holding hands while walking? With matching kiss pa sa pisngi? Malinaw na malinaw na sa akin yun, hindi niya na kailangan pang iexplain sa akin yun.

"Can you have me a favor?" Mukhang naging masaya siya at tumango ng mabilis

Akala mo naman kakausapin kita ng matagal. Tss in your dreams.

"I don't need your explanation. Can you just leave me alone? At wag ka ng magpapakita sa akin." Matigas kong sabi

"Wag na wag ka ng lalapit sa akin ulit janine. Ayoko ng makita yang pagmumukha mo" inis na sabi ko sakanya. Hinihila niya kasi yung laylayan ng damit ko.

Aish, para talaga siyang bata!

Nakita kong nangingilid yung luha niya. But I don't care, dapat noong una palang naisip niya na ang mga gagawin niya bago siya mag ganito sa akin. Ngayon lalapit lapit siya at nagmamakaawa na sa akin na balikan ko siya. Kung noon ako ang naghahabol sayo dahil sa panliligaw na ginagawa ko, ngayon ikaw na ang naghahabol sa akin ngayon. At wala akong balak marinig ang mga walang kwenta niyang dahilan!

Masyado na ba akong manhid para hindi maramdaman yung nararamdaman niyang sakit? Ha?

Bitch please!

"Please, let me explain red" nagmamakaawang sabi nito.

Aish mukhang magiging madrama nanaman itong scene nato. Pinagtitinginan na kami ng mga tao oh.

Kahit kailan talaga itong babaeng ito gumagawa ng eksena. Hayan na at nasa amin na ang atensyon oh.

May lumapit sa amin na lalaki. Sa aura palang nito kilalang kilala ko na agad.

"Wops.. Hi janine" bungad ni ryu sakanya

"Buti naman dumating kana, ito paki layo naman sa akin..... Please lang" tumango siya at hinawakan niya sa magkabilang braso si Janine.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon