Chapter 55: Status

2.4K 90 2
                                    

***
"Bye. Thank you" ngumiti ako sakanya

Hinatid niya pa talaga ako dito sa room. Math subject namin ngayon. At kaninang umaga siya din ang naghatid sa akin. Ang sarap sana ng mga food, kaso hindi naman ako makakain ng maayos dahil iniisip ko si Ryu.

Iniisip ko yung pagtatapat niya ng feelings para sa akin.

"Sunduin kita mamaya ah." Tumango nalang ako at ngumiti. Kumaway ako sakanya at tsaka siya ngumiti.

Naglakad na ako papuntang upuan ko.

"Naks! May manliligaw na siya!" Pang-aasar ng ilan

"Woho! dalaga na siya!" tumawa pa sila

"Ayiieee"

"Ang ganda naman kasi ng ate namin oh!"

Hindi ko alam kung pang-aasar ba yan o panglalait yung iba.

Ngumiti nalang ako sakanila at tsaka ako dumeretso sa upuan ko.

Maya-maya pa'y dumating na si Sir Miller. At wala pa siya. Madalas kasi ang entrance nitong lalaking to. Pag pasok ng teacher kasunod siya. Pero bakit wala pa siya hanggang ngayon?

Biglang bumukas ang pinto.

Nalungkot ako ng si Red ang pumasok. Nakangiti siya sa akin habang papunta sa upuan niya. Lagi ng nakangiti si Red simula noong naging okay na sila ni Janine. Nakakatuwa nga kasi lagi siyang active! active sa pangongopya! hehehe.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" Nag-aalalang tanong nito at dinampi niya pa ang kamay nito sa noo ko.

"Porket ba naka simangot may sakit agad?" Natatawang sabi ko.

Hindi ba siya papasok ngayon? Dahil ba sa nangyari kaninang umaga?

Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Ryu sa akin. Na gusto niya ako... Na parehas rin pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa.

"Uy, nakangiti" tukso ni Red sabay sundot sa tagiliran ko.

Hindi ko maiwasan mapangiti sa tuwing maalala ko yung mga sinabi niya sa akin.

"Baliw kana red. Hindi naman ako nakangiti eh.." Hinampas ko yung kamay niyang aakto ulit sa pagsundot sa tagiliran ko.

"Nasan nga pala si Ryu?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya "Ewan ko ba, hindi ata papasok dahil sumama ang pakiramdam."

Sumama ang pakiramdam? Eh kaninang umaga lang okay na okay naman siya ah. Pero bakit ngayon? Nasaktan ba siya sa sinabi ni Maru? Yung pag I love you ni Maru sa akin? O sadyang ayaw niya lang talaga akong makita ngayon?

***

Simula noong araw na nag confess ng feelings si Ryu at sa mismong araw din na yun, na nag i love you si Maru sa akin. Parang lahat ng kakulitan, pang-aasar, pang-iinis at kaingayan ni Ryu ay nawala nalang ng parang bula.

Gusto ko siyang kausapin pero lagi naman siyang lumalayo sa akin. Gustuhin ko man siyang lapitan, pero hindi ko magawa dahil lagi akong hinahatak ni Maru palayo sakanya.

Kapag nasa classroom kami hindi siya laging umiimik, at madalas pa nga siyang absent. At kapag math subject naman hindi rin siya umiimik. Kakausapin siya ni Red, tatango lang at iiling. Madalas din wala siyang reaksyon sa mukha niya, kapag kakausapin siya ni Red.

Naiinis na nga ako sakanya, dahil puro pasa nanaman yung mukha niya. Mukhang madalas kasi siyang nakikipagaway.

Kapag sumasama naman ako kay Red papuntang bar. Lagi ko siyang nakikitang umiinom at maraming  babae ang nakapaligid sakanya. Sa tuwing kakausapin ko siya o lalapitan ko siya, haharangin ako ng mga babae niya. Tapos parang wala lang siyang pakialam sa akin. Tatapunan niya lang ako ng tingin, tapos makikipaglandian nanaman siya sa mga babae na nasa paligid niya. Kahit anong tingin mo sakanya, bibigyan kalang niya ng blank expression. (-__-)

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon