Chapter 24: Sleepover

3.7K 116 3
                                    

"Ano na? Sa mga reaksyon ng mga mukha niyo, parang nakakita kayo ng multo ah.. Tsaka bakit ba kasi hindi ba kayo nagsasalita diyan ? ha?"

Actually, hindi kami nakakita ng multo.. Dahil ang nakikita namin ay isang Alien! Matafaka! talaga oh! Alien ang nakikita namin at hindi multo!

Tsaka paano kami mag sasalita kung ikaw naman yung dahilan kung bakit kami tahimik. Psh, akala mo naman kasi nakakatuwa e yung ginagawa e...

Nagparamdam.. Natakot kami.. Hindi nagsalita.. Tapos! Bad trip ka talaga kahit kailan e no?

"Namiss niyo ba ko?" Napangisi siya at kinindatan niya pa ako

What the!!! Anong namiss e, kami nga yung nagpapakahirap mag alaga sayo kahapon e. Ang kulit kulit mo pa! At paano ka namin mamimiss, ako pwede pang hindi kita ma miss pero si Red at Blaze ewan ko dun sa dalawang yun kung namimiss ka ba nila.

"Bakit nandito ka ha?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig

Doon ko lang kasi narealize na kanina pa ako nakaupo sa sahig e.

"Psh." Napamulsa siya at parang meron pa siyang binubulong sa hangin "Oo nga Ryu, bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ni Red, na hindi ko naman napansin na nakatayo narin pala siya.

"What the heck, ryu pasulpot sulpot ka nalang. Nakakagulat ka, tsss" napahawak nalang ng dibdib si Blaze "Bakit ka nga ba nandito ha?" Biglang tanong ni Blaze sakanya

Tama.. Pasulpot sulpot nalang kung saan saan, parang kayo lang dalawa ni Red. Pasulpot sulpot nalang kung saan saan.. Haist

"Hindi ba ang dapat ako ngang mag tanong niyan ako diba? Red at Blaze?" Kahit nakapatay ang ilaw, kitang kita ko parin yung reaksyon ng mukha niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa tv. Yung reaksyon kasi ng mukha niya para halong nagtataka at nagdududa?

Ewan ko ba sayo alien ka!

"Bakit.Nandito.Kayong. Dalawa ni Blaze, tsaka bakit kasama niyo si Sugpo dito?" Napatingin siya sa dalawa

Duh... Ano ba alien..

Nasa bahay kaya kita kaya nandito ako, at hindi dapat ikaw ang nagtatanong ganyan sa sakanilang dalawa. Kasi in the first place ikaw itong pasulpot sulpot, tss para kang kabute! Tapos itatanong mo pa kung bakit ko kasama yung dalawa? E sa pumunta nga kasi sila sa bahay. E sa wala naman akong magawa dahil nasa loob lang sila ng bahay, ang bastos ko naman tignan kung papalabasin ko silang dalawa na feel at home na sa bahay diba?

"Kung alam mo lang kung gaano ka namin namiss pre" biglang niyakap ni Blaze si Alien at parang sabik na sabik siyang makita ito rito at parang aakma pa itong hahalik sa pisngi niya "Tsk.. Isa..." Biglang napakalas si Blaze mula sa pagkakayakap sakanya, natakot ata e nagbibilang lang naman siya.

Inakbayan ni Red si Alien sa leeg at saka ginulo gulo yung buhok.

"Tsk. Namiss mo lang yung kiss ko e" natatawa pa si Red ng sabihin yun.

Naalala ko tuloy yung itsura ng batang ryu kahapon noong hinalikan siya ni Red sa pisngi niya, wahahaha! yung itsura niya diring-diri e hahaha.

Pumunta naman ako sa may bandang pader para i-on yung ilaw. At ayun! May liwanag na akong natanaw, hindi na ako matatakot.

Nakatingin lang ako sakanilang tatlo.

Hahaha ang cute talaga nilang tatlo.

Natawa nalang ako ng bigla silang nag pisilan ng pisngi.

"Para ka talagang bata kahapon, ryu hahaha" napatigil sa pagpisil si alien sa pisngi ni Red "Talaga? Wala akong maalala. Na naging bata ako" at nagpatuloy muli siya sa pagpisil ng pisngi ni red

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon