Chapter 34: Broken Family

2.6K 88 0
                                    

Zoey's POV

Kasalukuyan akong nasa gym ngayon, nanonood sa practice ni Kaine. Napadaan lang ako dito dahil may kailangan akong ibigay na libro sakanya, at syempre manonood muna ako dito. Gusto ko din kasi siyang makita kung paano siya gumalaw.

Ang galing talaga niyang sumayaw at ang lambot talaga ng katawan niya. Hindi ko nga iniexpect na ganito pala kagaling si Kaine sumayaw. Pakiramdam ko nga napapanganga nalang ako sa bawat pag galaw at pagkilos na ginagawa niya, kapag hinahagis siya sa ere parang wala lang sakanya yun. Hindi ba siya natatakot? Kasi pakiramdam ko kapag ako ang nasa sitwasyon niya, baka bubuhatin palang ako, aayaw na agad ako. Lalo akong naaangasan kapag mag ba-back flip siya, grabe ang galing talaga niya. Ilang taon narin pala ang nakalipas noong huli ko siyang nakitang sumayaw at humataw ng ganito. At yung pag back flip niya? mapapa wow ka na lang sa galing niya.

"Kyo!" sigaw mula sa likod

Nilingon ko ito

Napangiti ako ng makita ko si Maru. Hihihihi! landi alert hahaha!

Umupo siya sa tabi ko.

"Musta?" nakangiting tanong nito, ngumiti ako bago sumagot "Okay lang naman" sumimangot ako, dahil nakakaramdam ako ng hiya sakanya

"Pasenya kana maru, kung hindi muna ako makakapag practice sa ngayon" nagkibit balikat ako, tinap niya ang ulo ko "Don't worry, naiintindihan kita. Unahin mo muna yung pag-aalaga kay tita. Wala pa naman tayong sasalihan na competition, kaya okay lang" ngumiti siya

Salamat naman at naiintindihan niya ako.

Tita? naku! Okay lang na tawagin mo siyang Mommy! hehehe

"Salamat maru" napatingin kami sa may harapan, dahil nakarinig kami ng tugtog. Sumasayaw nanaman sila. Nung nagmumuni-muni kasi ako, nag wa-water break sila at ito nanaman sila nagsisimula nanaman silang sumayaw. Kahit saang anggulo ko talaga tignan si Kaine, masasabi kong napakaganda talaga ng bespren ko.

"Ang galing palang sumayaw ni Kaine no?" napatingin ako kay Maru sabay tumango. Nakatingin lang siya kay Kaine..

Hindi kaya may gusto siya kay Kaine? O M G... Anak ng!

Gusto kong takpan yung magkabilang tainga ko.

Ayokong marinig ang sasabihin niya!

"Kilala mo si Kaine?" napatingin naman siya sa akin sabay tumango "Yeah, nakilala ko siya noong nagkita kami last week. Nakasalubong kasi namin siya nila Red at Jin, kaya ganun. Kilala ko siya" ngumiti nalang ako sakanya

Ah kaya pala niya kilala. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Maganda siya no?" tumango siya at binalik niya ang tingin niya kay Kaine "I think may pinagmanahan lang siya" sabay tumingin siya sa akin

Napakamot nalang ako ng ulo ko. Kanino naman siya nag mana aber? tss... Nagseselos na ako maru ah.. Huhuhu

"Nagmana siya sa bespren niya" pinamulahan ako sa sinabi niya

Sinabi niya ba talaga na nagmana ang bespren ko sa akin.. Na maganda ako? emeghed! Wag kang ganyan maru! hihihi

Nagulat nalang ako ng pinisil niya yung kaliwang pisngi ko.

Waaa! pinisil niya ba talaga yung pisngi ko? hihihi.

"Ang cute mo talaga kyo" tumawa siya ng mahina, nahihiya pa akong ngumiti sakanya

Pero mas cute ka cuttie maru ko, hihihi

Napatingin nalang kami sa harapan, at nanlaki ang mata ko ng makitang na out balance si Kaine. Nasa tuktok siya ng pyramid.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon