Chapter 25: The Royalties

3.2K 94 0
                                    

Monday

Grabe laughtrip talaga ako kahapon, dahil nakasama ko sila. Doon ko naramdaman na ang saya pala sa pakiramdam na meron kang kaibigan na mga lalaki. Feeling ko nga ang tagal tagal ko na silang kakilala, over lang? hehehe hindi kasi sobrang close namin kahapon e. Ayun nga lang konting oras lang ako naka pag practice kahapon dahil hapon na sila umuwi, ang galing no? hihihi nakausap ko pa ng matagal si Cuttie maru ko hehehe. Buti na nga lang wala silang iniwan na kalat kahapon e, buti nalang... Kasi kapag nagkataon na meron silang iniwan sasapakin ko talaga sila.. Pero silang tatlo lang dahil si Maru, ang bait bait kaya hehehe.

Naalala ko talaga yung luto niya. Waaa! Sobrang sarap yung feeling na ang swerte ng mapapangasawa niya dahil sa sobrang sarap niyang magluto, hindi lang yung luto niya yung masarap dahil pati siya masarap ayy hehehe ito naman. Alam mo yung feeling na pagod ka sa trabaho tapos kapag natikman mo yung luto niya, shemay! Feeling ko mawawala yung pagod ko hihihi ganun kasarap yung luto niya.

Nasan na nga ba tayo? Ay nasa room na pala ako ngayon, actually math subject na namin ngayon. Maaga ako ng 15 minutes dito sa room, dahil maaga nag dismiss si Ma'am Baes ngayon yung science teacher namin.

Nakatingin lang ako sa mga classmates ko, grabe hindi parin ba sila nagsasawa sa batuhan ng bolang papel? Sabagay mas okay na yung bolang papel kaysa naman sa bolang merong lamang tubig.

Wag lang talaga akong matamaan ng bolang papel. Kasi kapag nagkataon, masasapak ko talaga itong mga ito e.

*Puk*

Pishte naman oh! Kakasabi ko lang e.

Kinuha ko yung libro ko sa bag ko at binuklat ito. Meron pa naman akong ilang minuto para magbasa ng topics namin sa ibang subject.

"Hi Kyo" napatingin ako sa nagsalita "Hi red" ngumiti ako sakanya at umupo na siya sa tabi ko.

"Mukhang masaya ka ata Kyo" ngumiti siya sa akin, bakit ikaw? Mukha ka din naman masaya e. Kaya it's a tie

"Oo naman, kailangan pag sinimulan mo ng monday na masaya ka tuloy-tuloy na yun. Hanggang matapos yung week nato"

Sana nga.

"Hahaha, nakakatuwa ka talaga"

Luh! Anyare kay red? Hindi naman ako nagpapatawa e, loko talaga itong lalaking ito.

Naputol ang usapan namin ni Red ng dumating si Alien.

Parang kakaiba yung aura niya ngayon.. Parang ang sobrang itim, sabagay matiim naman kasi yung budhi niya ay sorry naging judgemental lang hehehe. Pero real talk totoo naman diba?

"Anong nangyari sayo Ryu? Parang bad mode ka ah" Tanong ni Red, mukhang napansin din ni red yung aura niya.

Tinignan niya si Red at tinignan niya rin ako. Triangle lang ang ganap naming tatlo. Parang yung scene naming tatlo, si Alien yung jowa ko at nahuli niya kami ni Red na magkasama hahaha. Parang ganern lang hehehe

Pero para akong kinilabutan sa tingin niya, shemay! Nakakatakot huhuhu.

"May rambulan lang diyan sa tabi, nainip ako kaya sumali ako sakanila" sagot niya at tinignan niya muna si red bago bumalik ang tingin niya sa akin.

Waaah!!! Wag mo akong tignan, baka mamatay ako sa tingin mo huhu. Tsaka bakit parang ako ata yung sunod na rarambulin nitong lalaking ito?

"Saan?" Biglang napatayo si Red "Wala na, nabugbog ko na lahat Red."

"At ikaw sugpo, anong tinitingin mo diyan?" napataas ang kilay niya

Tsk. Anong ako? Ako tumitingin sayo? Hah! Sino kaya sa ating dalawa, tsaka ikaw kaya ang kanina pa tumitingin sa ating dalawa, nakaka imberya naman itong lalaking to. Ang sabi ko kanina, sisimulan ko ang araw ko ng hindi mababad trip e. Tapos itong lalaking ito binabad trip ako!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon