Chapter 37: Dad's Reasons

2.8K 91 1
                                    


Pinunasan ko agad yung luha ko at ngumiti.

"Umiiyak ka nanaman ba?" ang lakas naman ng pakiramdam nitong lalaking to. Partida nakasandal parin siya sa balikat ko at hindi niya nakikita yung mukha ko niyan. "Hindi ah" umiling pa ako "Salamat talaga ryu." tumingala ako, makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan pa ata "Balik na tayo sa school." Pagyaya ko sakanya.

Tumayo siya agad at ngumiti sa akin "Hindi muna tayo babalik ng school, dahil may iba pa tayong pupuntahan" ngumiti siya at inabot niya yung kamay niya.

Kukunin ko sana yung kamay niya, kaso bigla niyang kinuha yung basket sa akin.

Umasa naman ako na yung kamay ko yung kukunin niya. Aish, baliw talaga.

Tumayo nalang ako na parang walang nangyari. Napahiya ako dun ah. Hindi ko inaasahan na ganun pala yung gagawin niya.

Pero parang kinabahan ako bigla noong sinabi niya na meron kaming ibang pupuntahan. Teka? may iba pa kaming pupuntahan?

"Akala mo yung kamay mo yung kukunin ko no?" ngumiti siya ng pang-aasar sabay tumawa

Tinignan ko lang siya ng masama. Psh. Sapakin ko na kaya to?

"Hawak ka nalang dito oh" ngumuso siya sa braso niya.

Bakit naman ako hahawak sa braso siya aber? Bakit mawawala ba ako?

"Pero umasa ka? ha?" Ngumiti siya ng pang-aasar.

Anak ng! Ito nanaman siya, bumalik nanaman siya sa pang-aasar niya. Hindi ako umasa! dahil napahiya ako!

"Umamin kana kasi na may gusto ka sa akin. Hindi naman ako magagalit eh." Inirapan ko lang siya. "Wala akong gusto sayo. okay? Ang kulit mo" umiwas ako ng tingin.

Bakit naman ako magkakagusto sakanya? aish! malayong malayo siya kay cuttie maru ko.

"Waaahh! Galit ka ba sa akin? Ha?" Pumunta pa siya sa side kung saan ako nakatingin.

Hindi ako nagsalita. Hindi naman ako galit pero naiinis lang ako. Umasa? Pwe!

"Uyyy! Sorry na, bati na tayo. Ha?" Nag puppy eyes pa siya.

(-__-)

"Hindi naman ako galit. Okay?" iritadong sagot ko

"Sige nga ngumiti ka nga?" ngumiti siya ng pang-aasar

Aish.. Ang kulit talaga nitong lalaking to. Noong nagpasabog siguro ang diyos ng kakulitan nakatulog ako at siya yung energetic na gising at sumalo lahat ng kakulitan no?

Ngumiti ako ng pilit "Hay. Galit ka naman sa akin eh." Umiling iling pa siya "Kita mo yung ngiti mo napaka plastic!" Sumimangot siya

Ganoon ba kahalata kapag pilit yung ngiti?

Ngumiti ako ng labas ngipin. Ayan mas mukhang plastic. "Okay na ba?" tanong ko at tumawas lang siya ng malakas.

Loko-loko talaga.

"Ryu, bakit nga ba magaling ka mag shoot ng ganun? Bakit para kang si Midorima? Ha?" pagiiba ko ng topic. Sumabay siya sa paglakad ko

Nahiwagaan kasi ako kung bakit siya ganun ka galing mag shoot.

"Ah, syempre captain ako eh" pagyayabang niya at tinaas niya pa yung braso niya para ipakita yung biceps niyang katamtaman lang. (-__-) Hay..

So, captain pala siya ng RU Basketball? Ang galing naman. Pero minsan wala rin naman sa position kung magaling ka eh. Minsan nga kung sino pa yung mga nakaupo sa bench ayun pa yung mga magagaling maglaro. Hugot ba ako? Hindi ah sakto lang. Kasi ganun yung napansin ko kila kuya gin at kuya leo noong nanood ako ng laban nila. Sobrang tagal na nun, pero once lang ako nanood ng laban nila. Medyo busy kasi ako eh. Hehehe

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon