Chapter 43: Broke

2.3K 79 0
                                    

Ginebra's POV

Naalala ko yung una naming pagkikita sa school. High school pa ako noon. Isa akong Ultimate nerd at madalas bullyhin ng nakakarami. Pero dahil nandiyan ang best friend ko na si Leon ay unti-unting nagbago ang lahat. Binago niya ako at pinagtanggol niya ako. Noong una nagkaroon ako ng pagtataka, dahil sa mga ginagawa niya. At hindi rin nagtagal at nalaman ko rin ang interest niya kung bakit niya ginagawa iyong mga bagay na yun. Ang gusto niya lang daw ay maging kaibigan ako, wala ng iba. At dahil sakanya, marami akong nagawa na masasayang alaala sa buhay high school ko. Siya nga ang nag push sa akin na ligawan ko si Seffy, at siya rin ang nagpalakas ng loob ko na magugustuhan ako ni Seffy.

♣Flashback♣

[High School palang ako]

"Uy kanina ka pa diyan nagtatago, ibigay mo na yan" tinutulak pa ako ni Leo.

Siya ang nagsabi sa akin na gusto ng mga babae ang mga chocolates at bulaklak.

Palibhasa kasi hindi siya nahihiya! Walang hiya yang kupal na yan eh!

"Magustuhan niya kaya to?" tanong ko at tumango naman si Leo sa akin.

Sigurado ba siya?

"Bukas ko nalang kaya ito ibigay? Mukha kasing busy siya eh" pagdadahilan ko kay Leo.

Nag susulat kasi siya sa manila paper. Mukha atang mag rereport sila.

Kumunot naman ang noo ni Leo at napailing iling nalang.

"Pang ilang araw mo na sinabi yan? ha?" kalmadong tanong niya.

Pang apat? hehehe eh sa kinakabahan nga kasi ako! Palibhasa kasi, siya hasang hasa na sa mga ganitong sitwasyon!

Tumalikod na ako at mag uumpisa na sana akong maglakad ng pigilan niya ako at muling pinaharap sa pinto.

"SEFFY OLIVEROS!" tawag niya at nanlaki ang mga mata ko.

Bigla akong napatayo ng tuwid ng lumapit si Seffy sa amin.

"Hi!" ngumiti siya.

Ang ganda talaga niya. Hindi lang maganda, mabait pa! kaya mas lumalalim yung pagtingin ko sakanya dahil nga mabait siya.

"Ito pinabibigay ng TORPE kong kaibigan" pagdidiin niya. Kinuha ni Leo ang bulaklak at chocolates at inabot ito sakanya.

Itong Lion king na to! sinabi pa talagang torpe ako! nahihiya lang talaga akong ibigay sakanya ito ng harapan!

"Thank you. So, your.." tumingin siya sa card na nakalagay sa bulaklak "Ginebra?" nahihiya pa akong tumango sakanya "Nice name. By the way thank you for this flowers ang chocolates ah" ngumiti siya.

Pakiramdam ko sa ngiti palang niya solve na solve na ako.

"Yo-your welcome" unti-unti akong ngumiti sakanya at tumango siya "Balik na ako doon ah. May reporting kasi kami mamaya, at kailangan ko pang magsulat" paliwanag niya

"Sure" masayang sagot ni Leo

Yung totoo, sino ba kausap ni Seffy? ako ba o si Leo? Nakatingin kasi si Seffy sa akin tapos si Leo ang sumagot!

"Good luck sa reporting niyo. Kayang kaya mo yan" tinapik niya ako sa braso ko

Shocks! may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. First time yun ah!

"Thanks gin. Thanks ulit dito ah" tinaas niya ang flowers at chocolates. Tumango lang ako.

Kahit hindi na siya magpasalamat. Sa ngiti palang niya okay na okay na agad ako.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon