Chapter 18: Best Friend

3.3K 114 0
                                    

"Kasi ano.. Yung Blaze"

Gotcha! kilos mo palang alam na alam ko na, sabi na nga ba at nagkagusto na si Kaine sakanya.

"Kailangan mo ng tulong ko?" tumango siya at nahihiya pa siyang ngumiti sakin.

"Kasi gusto ko sanang mapalapit sa kanya." Nakatingin lang siya sa sahig na parang ito yung kinakausap niya.

"Oh, tapos?" napataas ang kilay ko.

"You know, friends tapos lovers" tumingin siya sa akin tapos, hinampas niya pa ako sa braso ko, what the! kinikilig siya sa lalaking yun? waaaah friends tapos lovers? hahahaha natawa ako dun ah.

"So, anong gagawin ko?" seryosong tanong ko

"Baka pwedeng ibigay mo itong letter nato" inabot niya sa akin yung letter pero hindi ko ito kinuha at tinitigan ko lang ito, sana ako nalang si Superman para pagtinitigan ko itong sulat nato masusunog nalang sa isang iglap, ang sama ko ba sa bespren ko?

"Sige na bespren" sumimangot siya at natawa nalang ako ng malakas, napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang tawa ko.

"Grabe ka, ganito pala ma in love yung bespren ko nuh? hahaha" hinampas niya ako ulit sa braso ko at sumimangot muli siya

"Wag mokong pag tawanan bespren" nagdrama pa siya sa akin "Anong magagawa ko, in love na nga kasi ako sakanya. Unang kita ko palang sakanya, alam mo yung slow-motion? yung napapanood sa movie. Naramdaman ko sakanya yun bespren, tsaka alam ko ng siya na yung lalaking talaga matagal ko ng hinihintay sa buhay ko." feel na feel niya pa yung mga salitang binitawan niya.

Waaah! slow-motion? hindi ako naniniwala diyan, dahil hindi pa ako nakakaranas ng ganyan sa buong buhay ko. Tsaka napapanood lang sa palabas yun nuh, hay nako naman, kita mo nga nagagawa ng palabas sa buhay ng tao oh. Tsaka siya na agad? ganoon ba yun? mararamdaman ba talaga yun ng ganun-ganun lang?

"Nyeee! crush mo lang yun huuyy" nakangusong sabi ko

Gusto ko siyang gisingin sa katotohanan na, hindi dapat si Blaze ang ginugusto niya. Boyfriend ng bayan yun e, tapos magiging isa siya sa magiging girlfriend niya?

"Sige na kasi, bigay mo na to please" pinakita niya pa yung maganda niyang ngipin sa akin na naka brace "Paano kung ayoko?" tinaasan ko siya ng kilay

"Sige na bespren, lilibre kita" ngumiti siya ng pa sweet, what the nag papacute siya sa akin?

"Kahit ano pang ililibre mo sa akin, hindi ako papayag na ibigay yan." tinarayan ko siya

"Kahit red velvet cake yung ililibre ko" napangiti ako sa sinabi niya,

Alam na alam niya talaga kahinaan ko. Kainis ka kaine!

"Kahit... Akin na nga yan" kunwari napilitan akong kunin yung letter sakanya, ibibigay lang naman diba?

"Kyaaa! thank you bespren, the best ka talaga. Hart-hart na ituuu" niyakap niya ako at pinaulanan niya ako ng halik sa mukha ko "Ewwwness!" napatigil siya sa paghalik niya sa akin at tumawa nalang kaming dalawa.

"Hoy Kaine, yung red velvet ko ah" pagpapaalala ko sakanya, at nag beautiful eyes pa ako sakanya "Oo naman nasa bag ko na siya. Wag kang mag-alala, basta bigay mo muna yan. Tapos kunin mo nalang hehehe"

Wow! hindi naman siya handa sa ginawa niya nuh? wahahaha grabe na ituuu!! Sorry na nagaya lang ako sa best friend ko hahaha.

"Sige" lumapad ang ngiti ko sakanya at nagpaalam na ako sakanya, nagmamadali akong umalis at nagtungo ako sa tambayan nila. Hindi ko naman alam yung room nila, nag babakasakali lang akong nandito sila.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon