Chapter 51: Truth

2.4K 77 0
                                    

Zoey's POV

Kakatapos lang ng klase at kasalukuyan akong nasa sari-sari store. Meron kasing pinapabiling Gummy worms si Zatchi sa akin. Dahil mahal na mahal ko siya syempre bibilihan ko siya. Nag text narin si Kuya sa akin na On the way narin siya, kakatapos lang din daw kasi nung practice nila. Sabi ko hihintayin ko nalang siya sa tapat ng gate. Nakauwi narin si Mom galing sa ospital, medyo nabubuo niya narin yung words niya. Pansamantalang doon muna ako nag sstay dahil gusto kong magkakasama kami. Para maka bonding naman namin ang isa't isa (^__^)

"Ate, ito po yung bayad" inabot ko na ang bayad ko at inabot niya ang isang plastic sa akin ng gummy worms. Matutuwa nito si Zatchi.

"Thank you ate" masaya kong sabi at tumango lang ito. Naglakad na ako papuntang Gate ng school. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa tindahan, tila may pakiramdam ko na may sumunod sa akin.

"Hi miss" napalingon ako sa nag salita.

Nagulat ako ng biglang merong humawak sa magkabilang braso ko. Nagpupumiglas ako, ngunit sadya silang malalakas at mas malalaki sila sa akin.

"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko sakanila. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala akong makitang niisang tao. Gustuhin ko man sumigaw ay walang lumalabas na boses sa akin dahil may nilagay na panyo sa bibig ko.

"Sayo wala kaming kailangan pero sa kuya mo meron. Malaki!"

Nagpupumiglas ulit ako, nilalabanan ko yung antok na nangyayari sa akin pero at tila unti-unti akong hindi makahinga hanggang sa hindi ko namalayan na napapikit na pala ang mga mata ko.

***

"T*ngina, wala pa ba yung kuya nito? Ang tagal naman nun!"

Ang sakit ng ulo ko. Anak naman ng tinapa, sino ba itong mga to? Omg.. Hindi kaya?

Unti-unti kong ginalaw ang aking mga kamay. Nakatali ako! Ano to para hindi ako makawala? Ang higpit ng pagkakatali sa akin. Mukhang hindi nila ako papakawalan. Sinubukan kong galawin ang mga paa ko. Ngunit nakatali rin ito. Teka ano bang gagawin nila sa akin? Ano bang kailangan nila?

Napadilat nalang ako ng bigla ng buhusan nila ako ng tubig.

Nakakainis! Ang lamig. Hindi man lang nila ako ginising ng maayos. Pwede naman yun eh, kaso hindi eh (-__-) binuhusan pa talaga ako ng malamig na tubig!

"Kanina kapa natutulog diyan." Nakangising sabi ng naka white t-shirt.

Hindi ko maaninag ng maayos yung mukha niya dahil against the light.

"Maganda naman pala tong kapatid ni Gin eh" umupo ang isang lalaki kulay blonde ang buhok nito at hinawakan ako sa baba ko.

Matagal ko ng alam na maganda ako.. Hindi niya na kailangan sabihin! Teka? Kilala nila si Kuya?

"Alam mo ba kung anong kasalanan ng kuya mo sa akin?" Nakatingin lang ako sakanya

Ano nga bang kasalanan niya? At bakit damay pa ako dito?

"Binasag niya lang naman ang mukha ng mga kasama ko. At ito" pinakita niya pa yung kaliwang pisngi niya na may sugat "Siya may gawa nito" pinandilatan niya ako pero ako nakatingin lang ako sakanya.

Hindi naman lalaban si Kuya Gin ng walang dahilan diba? Tsaka anong pakialam ko sa mga mukha nila?

"Ba-bakit kasama ako? Kung yung kuya ko naman yung kailangan niyo? Ha?"

Kailangan kong maging matapang. Pero sa mga mata palang niya parang natatakot na ako. Para bang kakainin ako ng kadiliman.

Kuya Ginebra! Ano nanaman bang kalokohan tong ginawa mo?!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon