Chapter 48: Janine's Love

1.9K 63 0
                                    

Janine's POV

Hindi ko na mabilang ang taon. Kung kailan ko sinimulan sundan si Red. Alam kong galit na galit siya sa akin. Pero ang masakit nito ay hindi niya man lang ako pinapaliwanag kung bakit ko ba kasama si Arthur. Si Arthur ay isa sa mga ex-boyfriend ko.

Noong nalaman kong may sakit siya, ay nag desisyon akong samahan muna siya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Alam ko na sa huling hininga niya ay gusto niya lang akong makasama. Wala narin siyang pamilya, at hindi niya rin alam kung nasan ang mga kamag-anak niya. Ang sakit lang sa part niya dahil wala man lang umiintindi sakanya. Sa ilang buwan naming magkasama ay napansin kong marami siyang kaibigan umunti ito ng umunti at yung iba nawala nalang sila ng parang bula.

Nakakainis dahil tinuring mo silang kaibigan nandyan ka para sakanila, pero pag dating sayo ay nawawala nalang sila ng parang bula!

Nalaman ko na meron palang brain tumor stage 3 si Arthur. Malubha na ito, kaya alam kong kailangan na kailangan niya ako sa tabi niya. Wala na siyang ibang makakasama kung hindi ako lang. Gusto ko hanggang sa huling mga araw niya sa mundong ito ay naging masaya siya..

Pero nagsisi ako dahil hindi ko to sinabi kay Red. Hindi ko gustong gawin to kay Red at hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Natatakot ako na baka hindi niya ito maintindihan.. Na hindi niya ako payagan sa gagawin kong desisyon. Natatakot ako na baka mas lalong mapadali yung buhay ni Arthur dahil sa mga gagawin kong desisyon.

Simula noong araw na nakita kami ni Red na magka holding hands at kiniss ko si Arthur. Gusto kong habulin si Red noon. Gusto kong magpaliwanag sakanya, kung bakit ko nagawa yung bagay na yun. Naiisip ko noon na sadya talagang magulo ang mundong ito.. Lalo na sa pinasukan ko..

Hahakbang palang sana ako para habulin si Red. Pero hinawakan ni Arthur yung kamay ko. Tinanaw ko si Red, pero pagtingin ko nawala nalang siya.

Tatlong taon narin pala ang nakakalipas ng mamatay si Arthur. Hindi ako nagsisi na hanggang sa huling hininga niya ay nakasama niya ako. Nalulungkot ako dahil tanging iilang kaibigan niya lang ang nandun noong ililibing na siya. Doon ko din nalaman na hindi nila alam na merong brain tumor si Arthur. Hindi niya siguro ito sinabi dahil baka mag-alala sila saknya o ayaw niyang kaawaan siya ng mga ito.

Ilan taon ko na nga bang hinahabol si Red? Hmmm. Ayyy ewan ko ba!

Gusto ko siyang kausapin tungkol dito. Gusto kong magpaliwanag, pero hindi niya naman ako binibigyan ng pagkakataon. Minsan nakakainis na siya, pero agad namang nawawala dahil nakikita ko siyang ngumingiti.

Nagiging stalker na nga ang dating ko dahil lagi ko siyang sinusundan, kung saan man siya magpunta ay nandun ako. Ngunit hindi ko na ito magawa kapag nakapasok na siya sa gate ng RU. Nakakainis yung guard, hindi man lang ako magawang papasukin sa loob kahit nagpapa cute na ako. Sabagay.. Babae kasi yung guard kaya hindi niya maappreciate yung pagpapa cute ko.

Madalas akong pumunta sa bahay nila at kinakatok yung gate nilang napakalaki. Ewan ko ba kung bakit hindi nila ako pinagbubuksan. Nakakainis si Manang hindi man lang ako pagbuksan ng gate, kala mo naman wala kaming pinagsamahan eh. Badtrip! Ang sarap sirain yung gate!

Tatapusin ko lang itong Sem ko nato, at papasok ako sa RU para sakanya.

Sabihin niyo na desperada na akong makasama siya. Namimiss ko na kasi talaga siya.

Mas matanda ako kay Red ng year, pero magkasing edad lang kami.

Naalala ko tuloy noong una naming pagkikita. Hinding-hindi ko yun malilimutan dahil napaka memorable nito sa akin. Let me give you a flash back.

♣Flashback♣

"Hoy! Ikaw!"

Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad ko. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Tinitignan nila ako ng masama? pwes, edi titignan ko din sila ng masama. Anong akala nila sa akin matatakot ako sa kakaganyan nila? pwee! hindi nuh!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon