Chapter 28: Comfort

3K 97 0
                                    

Ang weird ng panaginip ko kaninang umaga. Kasama ko si Ryu as in si Ryu talaga. Ang nakakapagtaka lang dalawang ryu yung kasama ko, yung isang ryu na mala alien ang pag-uugali at isa namang batang ryu, yung nagka sakit na version.

Grabe halos mamatay ako sa pinag gagawa nilang paghihilaan sa akin. Kulang nalang ata mahati yung katawan ko sa dalawa e, dahil sa paghahatakan na ginagawa nila.

I sigh

Sa isang ryu pa nga lang mamatay na ako, paano pa kaya kapag totoong naging dalawa na siya?

Iniisip ko palang yung pagmumukha nilang dalawa, feeling ko mababaliw na agad ako.

Sa panaginip ko, Iniinis pa nga nila akong dalawa, kahit na alam kong panaginip lang yun nagawa ko parin mainis sakanilang dalawa, dahil nga nainis ako hinabol ko yung dalawang mokong. Nung hinabol ko na sila hindi ko napansin na may bangin pala doon. Edi ako na itong si shunga hindi naka preno ayun nahulog ako, pero nakakapit ako sa tali na malapit sa akin. Sa pagkakaalala ko, medyo luma na yung tali at nakatali rin yun sa isang malaking puno. Pero kahit nakatali iyon ay masasabi ko patin na matibay ito.

Gusto ko ng magising that time, kasi alam ko namang panaginip lang yun. Pero parang totoo talagang nangyayari yun.

Nung bibitaw na ako nun sa tali ay biglang meron humawak sa akin.

Yung ryu na alien, at bigla naman meron ulit humawak sa isang kamay ko. Yung batang ryu. Nakangiti sila sa akin, ewan ko kung bakit sila nakangiti e.

Ang nakakaasar lang mahuhulog na nga yung tao, nagagawa pa nilang ngumiti. Yung feeling na mamatay ka na nga dahil mahuhulog ka, tapos ngingitan ka nila. Yung totoo lang? diba?
(-__-)

'Sorry' sabay nilang sabi 'Hindi na mauulit' at saka nila ako hinila. Nang makahon na ako ay parang biglang merong malakas na hangin na humampas sa katawan ko, kaya na out balance ako at muli akong nahulog.

That time hindi na nila ako nahawakan, pakiramdam ko nga noong mga oras na yun slow motion pa yung nangyayari sa akin nung mahuhulog ako e.

Bumalik ako sa realidad

Naramdam ko kasing nag vibrate ang phone ko kaya humugot ako sa bulsa ko upang tignan kung sino ang nag text.

Asar naman ito oh, nag ku-kwento yung tao e. Panira talaga hehehe, pero nagising naman na ako that time kaya ayun hehehe.

Nakita kong nag flash sa screen ang pangalan ni Kuya Ginebra.

Bago ko tuluyan mabasa ang message niya ay nabaling ang tingin ko sa katabi ko.

Kunot noo ko siyang tinignan.

"Hoy sugpong kyo, sagutan mo nga to" bulong niya at inabot niya sa akin yung papel.

Meron kasing pinapagawang essay sa amin sa english. Loko to ako pa talaga yung pinapasagot niya, tsk! tinatamad nanaman siya mag sagot. Teka! Kailan ba yan sinipag mag sagot?

Nakakapagtaka talaga, bakit ba to napunta sa section one? Tsss

At sugpo parin yung tawag niya sa akin. Ito talagang alien nato! Naku! Masasapak ko talaga to sa mukha e.

"Oh baka gusto mong batuhin ka nila ng putik sa mukha mo?" Nakangising tanong niya

Agad kong kunuha ang papel niya at inumpisahan itong sagutan.

Ayoko ng batuhin ng putik no, tsk.. Lakas talaga nitong lalaking ito lalong lalo na sa mga kalokohan!

Parang kahapon lang ang sweet-sweet niya sa akin. Tapos ngayon sobrang sweet niya! Sa sobrang sweet niya nga ngayon, gusto ko ng isampal yung papel at ballpen ko sakanya e.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon