Chapter 35: First Kiss

2.9K 100 2
                                    

[A/N: First of all, Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nagbabasa at patuloy na nagbabasa nito. Mapa wattpad man o sa group man ng facebook :). Hi nga pala sa mga taong to na nag comment sa facebook hihihihi. Sana ma meet ko kayo personal :D]

→ Fernando Jovie, Sunshine Trogon, Elaica Mae Anama, Carl Rvn, Valery Boado Gurion, Jhezza Auditor Nacar, Mae Pueblos. (^з^)-

===

"Huy! sugpo"

Narinig kong tawag sa akin ni Ryu, pero hindi ko siya pinansin, tumakbo lang ako palabas ng ospital. Siya pala yung taong nakasandal sa pader, palabas kasi ako ng hospital ng makasalubong ko siya.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito, kung ano yung ginagawa niya dito. Anak ng letchugas! Hindi ko alam na pupunta siya dito! Ano ba kasing ginagawa niya dito!

Pero kahit ganun, ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano. Ayoko munang isipin kung bakit siya nandito o ano ba talaga ang sinadya niya dito.

Basta ang alam ko lang ngayon. Gusto kong lumayo, malayo kung saan yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kasabay ng pagtakbo ko ang pag agos ng aking luha.

*Sniff* *Sniff*

Kasalanan ni Dad kung bakit naaksidente si Mom? Tsaka tama ba yung narinig ko? Nakipaghiwalay si Daddy kay Mommy? Bakit? Bakit niya ginawa yun? Anong dahilan niya? para ganoon gawin kay mom, bakit niya ginagawa ito sa amin? Ano bang pagkukulang namin sakanya o ni Mom sakanya para saktan niya kami ng ganito? Naging mabuti naman kaming mga anak sakanya. Kahit kailan naman hindi namin siya sinaway ni Kuya, ginagawa naman namin yung mga gusto niya. Kahit na madalas wala na itong kabuluhan.

At isa sa mga hindi ko matanggap at isa sa pinakamasakit ay nagawang mag sinungaling ni Kuya Gin sa akin.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na ganito na pala ang nangyayari sa pamilya namin. Bakit nagagawa niyang magsinungaling sa akin ng ganoon katagal? Kaya pala noong nagtatanong ako about kay Dad, madalas niyang ibahin yung usapan.

Ang tanga-tanga ko. Pinukpok ko ang ulo ko at napapailing nalang. Bakit ngayon ko lang naisip yang mga ganyan! Ang tanga ko bakit hindi ko napansin yun, ang tanga ko kasi hindi ko naramdaman na may problema na pala, ang tanga ko ba dahil hindi ako nakakaintindi? ang tanga ko ba kung bakit wala akong magawa ngayon kung hindi tumakbo ng tumakbo? Ang tanga ko ba dahil-

*BEEP-BEEP*

Napaatras ako ng biglang may humila sa akin.

"ANO BA MISS MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" Inis na sigaw ni manong driver.

Napatingin ako sa driver, hindi ko maaninag yung mukha niya ng maayos dahil nanlalabo yung mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo at umaagos na luha galing sa mga mata ko.

Kung ang pagpapasagasa lang yung magiging dahilan kung paano ako magigising sa malaking bangungot nato, gagawin ko. Gagawin ko to para magising na ako ng tuluyan sa bangungot nato. Ayoko ng ganito! Ang sakit! Sobrang sakit. Galit at inis ang nangingibabaw sa akin.

Galit at Inis kay Daddy at Kay Kuya Gin.

Hindi nagtagal umandar nalang yung sasaktan. Umandar paalis.

"Huy sugpo, sabihin mo kung magpapakamatay ka para naman ako na mismo ang maghuhulog sayo sa ilog" Nilingon ko siya.

"B-bakit nandito-

Bigla niya akong hinatak palapit sakanya, kaya napasandal ako sa dibdib niya at nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

TUG TUG TUG TUG

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon