Chapter 42: Something is wrong

2.4K 73 0
                                    


Zoey's POV

Ilang linggo narin pala ang lumipas. Simula ng maging maayos ang lahat. Nag simula kay Blaze at Kaine. Hihihi okay na sila ulit, nagtatanong ako kay kaine kung nag sstart na ba silang mag date. Kyaaaa! Gusto ko siyang hampasin sa braso sa sobrang kilig ko ng sinagot niya ako ng Oo, makaganti man lang ako sakanya hahaha.

Sina Dad at Kuya Gin, nagkapatawaran narin.

Noong una ayaw niyang makita si Dad, halos itapon niya nga yung mga gamit ni Dad na nakalagay sa couch. Pero noong lumabas si Zatchi sa likod ni Dad, parang nawala yung galit sa mukha niya. Nakakagulat nga dahil kinakausap siya ni Zatchi, na patawarin niya na si Dad at bigyan siya ng isa pang chance. Hindi ko alam kung labag ba sa loob ni Kuya Gin na patawarin si Dad, dahil ayun sa pakiusap ni Zatchi sakanya. Ewan ko ba parang may mga magic na ginagamit si Zatchi, para baguhin yung mood ni Kuya. Ngayon kasalukuyang binabantayan ni Dad si Mom, at syempre kasama ni Dad si Zatchi. Ang cute cute talaga ng batang yun, napaka sweet!

Pero nalulungkot ako noong makita ko si Ryu na umiiyak sa rooftop. Doon ko nasaksihan yung ang kauna-unahang pag-iyak niya. Actually pangalawang beses ko na siyang nakitang umiyak, yung una noong may sakit siya which is yung napapaniginipan niya si CK.  At pangalawa yung nasa rooftop siya. Nakakapagtaka nga dahil hindi niya ako inaasar noong araw na yun. Nakakapanibago siya. Sinundan ko siya nun dahil nahihiwagaan ako sakanya. Akalain mo may activity kami pero blangkong papel yung pinasa niya, at take note napaka linis ng papel... Naninibago din ako dahil hindi niya sinipa maski isang beses yung upuan ko. Pinipilit ko siyang sabihin yung problema niya, pero hindi niya talaga sinasabi. Nakakaasar nga eh, ako nag sha-share ng problema samantalang siya? Wala (-__-) pero pagkatapos naman ng araw na yun ay bumalik na siya ulit sa dati. Ang bipolar talaga niya... At napapansin kong napaka weird na niya!

Nag quit narin ako sa RDTC, marami kasi akong naririnig sa mga taong nandun na ayaw nila sa akin. Hindi naman kasi halata dahil sa pakikisamang ginagawa nila sa akin. Karamihan sakanila ay mababait, pero mas may mga tao talagang nangingibabaw ang may ayaw sa akin. Kaya nag desisyon akong umalis nalang, ayoko na ng gulo. Naka attend kasi ako ng dalawang beses na practice doon, pero sadyang maiinit ang pag welcome nila sa akin. Titigan ka ba naman ng simula ulo hanggang paa.

I sigh.

At ayoko namang ipagsisiksikan yung sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin diba? Alam ni Maru na nag quit na ako. Dahil nagpaalam ako sakanya. Pero hindi ko sinabi yung rason ko na kaya ako nag quit dahil sa mga taong may mga ayaw sa akin. Dahil kapag sinabi ko yun, mamaya ito pa ang maging sanhi ng kaguluhan. Pumayag din naman siya, dahil wala naman daw siyang magagawa dahil desisyon ko ito. Pero kung gusto ko daw manuod ng Practice nila, welcome na welcome ako na pumunta doon.

At ngayon kasama ko si Red. Na kontrata niya na agad ako. Ikaw ba naman meron na agad siyang dalang favorite ko. Mag prapractice daw kami. Wala pa namang exact date pero kailangan lang daw namin mag prepare. Mas okay na daw yung prepare kaysa naman sa maging gahol kami.

"Bago tayo mag practice, nood muna tayo ng friendly match sa basketball."

Tumango ako sakanya at habang patuloy ako sa pagkain ng chocolate mousse ko.

Sharaaappp talaga nito, hihihi. Kitam? Ganito talaga ako, walang pakialam kung anong gagawin namin. Basta ako dito behave at ninanamnam pa ang mga sandali habang kinakain ang masarap na chocolate mousse ko.

"Sino nga pala kalaban?" Tanong ko sabay subo

"Sa pagkakaalala ko ASSU daw e"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya, buti nalang nandiyan si Red at agad niya akong inabutan ng tubig.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon