Chapter 2: Welcome to Our University

6.7K 185 4
                                    


Ryu's POV

Buti nalang at nakaganti din ako sa babaeng iyon. Nag utos lang naman ako ng limang estudyante para bigyan siya ng leksyon sa ginawa niya. Tinapunan ba naman ako ng spaghetti at juice sa damit ko. Kitang kita ko kung paano siya batuhin ng harina at paliguan ng juice. Nakakatuwa talaga siyang panuorin habang nakikipag habulan sa mga alaga ko. Habang iniisip ko yung mga nangyari sakanya kahapon, hindi ko maiwasan hindi mapangiti.

Napatingin naman ako sa kamay ko.

Naalala at nararamdam ko parin yung malambot niyang puwet sa kamay ko. Hindi ko naiwasang hawakan ito dahil napakatambok nito.

Lalaki kaya ako, natutukso din. Madalas nga lang

"Uyy, Ryu" lumapit sa akin si Blaze at inakbayan ako.

"Paano ka nakapasok dito?" Nag tatakang tanong ko

"Malamang dumaan muna ako ng gate niyo tapos pinto, tadah" sagot niya

May iba akong ibig sabihin, monggi!

"Hindi yun ang ibig kong sabihin" napakunot ako ng noo "Eh ano?" Nakangiwing tanong niya "No pets allowed kaya dito, isa KALANG.. Kaya pet lang" at tumawa ako ng malakas, napatigil ako sa pagtawa ko ng may narinig akong nagsalita

"Uyyy mga brother, tara sabay-sabay na tayo pumasok sa school." Pagyaya ni Red

Nagtinginan kami ni Blaze
"Blaze, tropa mo..." seryoso kong sabi "Tropa mong pet din. Kaya Pets na kayo, it's a tie" natatawang sabi ko at tumawa nalang kaming dalawa.

"Tengeneng yen, meron ka nanamang pasa sa mukha mo Red" napakunot nalang ng noo si Blaze

"May nagbago ba diyan?" napakamot ako sa ulo ko

Kahit naman kailan hindi na nagbago si Red, sa aming apat siya ang pinakamalupit makipag sapakan. Ikaw ba naman kung araw-arawin o minu-minuto ba naman makipag sapakan hindi ka kaya gagaling?

"Ano gusto mo, resbakan na natin?" Ready to resbak naman itong si Blaze at napaisip nalang siya bigla "Ayy wag na pala, kasi meron pala akong date mamaya" pagbabawi niya

"Wafakels, basagin ko mukha mo eh. Para hindi kana magustuhan ng kadate mo mamaya." Hinawakan ko sa balikat si Red na aakmang susuntok sakanya at umiling-iling ako "Bro" napabuntong hininga ako "Wag na minsan na nga lang siya maging masaya. Tututulan mo pa ang kaligayahan niya?"

"Nakakahiya naman sakanya, araw-araw nalang iba't ibang nalang yung babaeng dinadate niya. Kawawa naman yung mga babae na sinasaktan niya" napailing-iling si Red

Gusto kong tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang. Paano ba naman kasi, nagsalita ang hindi nag dadate ng marami sa isang araw! Sus! akala mo concern, the fuck! wala siyang maloloko dito.

DON'T US RED!

"Inggit ka Red? Gaya ka" nakangising sabi nito "Oh ito band aid. Tapalan mo yang bibig mo, ng manahimik ka na." hinagis ni Blaze ang isang box ng band aid kay Red \

"Baki-

Natigilan siya dahil nag salita muli si Blaze "Wag ka ng magpasalamat sa akin. At welcome nalang, tsaka pang tatlong araw na supply mo yan ah. Tipirin mo ah" ngumit siya

Nakanaman! ang sweet nilang dalawa!

"Salamat Blaze, kiss nga kita" lumapit si Red na aakma na manghahalik at mabilis itong iniwasan ni Blaze "Wag sa akin, diyan nalang kay Ryu" ngumuso si Blaze sa akin at tumawa si Red at napatingin siya sa akin.

Tinaas ko yung kamao ko "Wag mong susubukan na halikan ako, kung hindi papasabugin ko yang nguso mo" pagbabanta ko sakanya. Nagkatinginan nalang kaming tatlo at nagtawanan.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon