Chapter 67: Muling Pagkikita

2.3K 72 1
                                    

Zoey's POV

Apat na buwan ang lumipas simula ng umalis ako sa pilipinas. Nasa L.A ako ngayon at tumutulong sa company ni Dad. Hindi agad ako nakaalis papunta dito sa L.A dahil kailangan pa akong pag stayin sa bahay. Nag stay naman ako doon ng ilang araw, nag kulong nga lang ako sa kwarto ko. Wala akong masyadong kinakausap, mas gusto ko kasi munang mapagisa. Doon ko sa kwartong iyon, binuhos lahat. Saksi ang kwarto ko sa mga sakit at pag-iyak na ginawa ko noon.

Back to reality na nga.

CEO ako dito, ang galing no? Naman! Actually binili lang ni dad itong company nato, dahil palugi na ito kaya kailangan ibenta. Medyo malaki rin itong company na ito kaya siguro malaki yung gastos nila. Ginugol ko ang oras ko rito, para makalimot. Ayun lang naman ang magagawa ko diba? Masyadong masakit ang mga pangyayari kaya mas minabuti kong magpakalayo-layo. Gusto kong mapagisa at makapagisip-isip.

Marami rin naman akong natulong sa companyang ito kahit sa maikling panahon lang.

"Kyo" agad kong sinara ang laptop ko at binababa ko agad ang paa ko na nakapatong sa desk ko.

Naku naman! Hindi talaga marunong kumatok si Dad. (-__-) kapag nahuli ako nito na naglalaro ng Plants vs. Zombies baka pagalitan nanaman ako. Ang boring kasi ng wala masyadong ginagawa, natapos ko na kasi lahat-lahat ng gagawin ko. Ayoko kasing natatambakan ng gawain kaya ito, tinapos ko na agad. Para makapag laro na ako ng Plants vs. Zombies, kaya lang dumating si Dad. Hays..

"Yes dad?" Umayos ako ng upo.

Pambihirang pencil cut to hindi man lang makisama sa akin! Simula kasi na maging CEO ako dito ay kailangan kong magsuot ng formal attire. Minsan nga iniisip ko na dapat mag jogging pants nalang ako, para mas maging komportable ako. Pero si dad? haist! ayoko nalang mag salita!

"You should go back to the Philippines. Your mom needs you there. And take note" nilapag niya ang sticker note sa harapan ko. Kinuha ko ito at tinaas.

"Korewa nandesuka?" (What's this?) Hindi siya umimik kaya binasa ko nalang.

Nakakatamad magsalita kapag ang kinakausap mo ayaw magsalita (-3-)

"I need a break?" Kunot noo ko siyang tinignan.

What the hell? Ayun kasi ang nakalagay sa sticker note, bakit ko kailangan mag break?

"Dad naman nag almusal na ako" pilosopong sagot ko at dumilim ang mukha nito.

Uh-oh! He's angry again and again. Wala na bang araw na hindi siya magagalit sa akin? Nagpapatawa lang naman ako pero siya lagi nalang siniseryoso haist.

Tinaas ko agad yung mga kamay ko na nagpapahiwatig na sumusuko na ako.

"Anong gagawin ko doon?" Tanong ko.

Ano nga bang gagawin ko doon? at kailangan ko pang pumunta doon? Ang sabi niya, kailangan daw ako ni mom doon. Para saan naman?

"Hmm. Kailangan mong mag masteral." Napatayo ako at tinignan lang siya ng seryoso.

What the heck did he just say?

"Bakit pa? Okay naman na ako dito ah. Tutulungan ko nalang si Mom sa pag handle ng company. Masaya na ako doon, ayoko na mag-aral." nag pout pa ako.

Ano bang iniisip nitong si Dad at kailangan ko pang mag master's degree?

"Just do it. Naayos ko na ang lahat. 2 years lang naman." seryosong sabi nito. Napanganga ako sa sinabi niya.

Ano daw? naayos niya na?

"What the heck? Did you just do it without my permission? Are you okay dad?" I clenched my jaw.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon