Chapter 63: Surprise

1.8K 72 0
                                    


Zoey's POV

4 years later.

"Omedetou Kyo-chan" (congratulation) niyakap ako ni Jiro at niyakap ko din siya.

Siya ang pinakamalapit kong naging kaibigan dito sa school nato. Marami ngang naiinggit sa akin dahil lagi kong nakakasama si Jiro. Paano ba naman gwapo kasi itong si Jiro at magaling pa sa mga sports. Kaya kilalang kilala siya sa school at sikat siya sa mga girls. Tsaka mabait siya, hindi katulad ng ibang gwapo dito na sikat nga masama naman yung ugali! wala rin.

[A/N: Ito si Jiro at si Kyo, naku! wag lang sana makita ni ryu to. Magseselos agad yun hahaha]

Buti na nga lang at hindi pala away ang mga tao dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Buti na nga lang at hindi pala away ang mga tao dito. Buti nga wala akong naencounter na katulad ng the royalties dito eh. Naku kung meron man! Siguro nag tatakbo nanaman ako dito at baka gulong gulo yung buhay ko.

Babalik na ako sa Pilipinas! Yehey! Woho! Masusurpresa sila sa pagbabalik ko dahil hindi ko sasabihin na babalik na ako hihihi. Lalong lalo na si Ryu, namiss ko yung lalaking yun.

Nakakapagtaka nga dahil tatlong araw na siya hindi nagtetext at tumatawag sa skype at ym ko. Hmm nagtatampo tuloy ako sakanya.

Ano kayang ginagawa nun ngayon? Baka busy siya mga activities at projects nilang ginagawa? Graduating pa man din siya ngayon.. Pero okay lang yun dahil maya-maya makikita ko na din siya! Hihihi namimiss na kita alien ko. Mas maaga yung graduation namin, kaysa sakanila. Sa pagkakaalala ko, by next month pa yung graduation nila.

"Jiro mamimiss kita" sabi ko at humarap siya sa akin "I will miss you too. Sa ilang years natin na magkasama pinadama mo sa akin na may kapatid ako. Salamat sayo kyo" ginulo niya ang buhok ko.

Hiling niya daw kasi yun na magkaroon ng kapatid. Nag-iisang anak lang kasi siya at yung mom niya namatay noong pinanganak siya at yung dad niya kasalukuyang nagtratrabaho sa isang company.

Ako nagturo sakanya ng mga iba pang tagalog na salita. Pure japanese kasi si jiro pero meron din siyang alam na mga iba pang salitang tagalog dahil tumira na daw siya sa pilipinas ng dalawang buwan.

Kaya siya nakapasok dito sa university nato dahil nag entrance exam siya rito at nakapasa siya tulad ko.

"Dalawin mo ako ah" sabi ko at inayos ko yung buhok ko

Medyo may pagka makulit din si Jiro. Pero mas makulit si Ryu sakanya.

"Of course I will!" Masaya nitong sabi at pinisil niya ang magkabilang pisngi ko "Mamimiss ko yung pisngi mong matataba" natatawang sabi nito.

Ito na nga yung huli naming pagkikita namin dito tapos aasarin niya pa ako! (-__-)

"Tsk. Kala mo naman hindi mataba yang sayo" bulyaw ko at pinisil ko yung pisngi niya "I will miss you little sis" tinap niya ang ulo ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon