Chapter 5: Who is this Guy?

4.8K 132 8
                                    


Zoey's POV

Nakakapanibago naman, walang bumato ng kung anu-ano sa akin. Pero kahit walang bumato sa akin ng tubig ngayon, nilalamig parin ako.

Nasa school na ako ngayon, hinihintay yung susunod na teacher namin. Medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon, dahil naambunan ako kahapon. Wala kasi akong payong na dala kahapon kaya ayon, basang sisiw akong umuwi kahapon.

"Hoy" kunot noo ko siyang tinignan "Hindi hoy pangalan ko, kung hindi Zoey" tumango siya at ngumiti.

Yung ngiting maasar ka talaga. Kahit naman wala siyang gawin sa akin, makita ko palang yung mukha niya naasar na ako e.

"Hoooy sugpong zoey, yooohhoooo" pang aasar ng mokong. Hindi ko lang siya pinansin at tumingin nalang ako sa ibang view.

Kung saan man ako tumingin ay lilipat siya rito. Ang kulit nitong baklang alien na ito. Hanggang sa pumunta siya sa bandang likod ko.

"Umalis ka nga diyan, uupo ako" at pinaupo naman siya ng estudyante na kahelera ko.

Umupo siya sa upuan.

Tigas nitong lalaking ito oh!

"Sugpong Zoey" bulong niya galing sa likod

"Puwede ba! Wala ako sa mood maki paglokohan sayo, kaya please wag muna ngayon" napataas ang boses ko, at lahat ng estudyanteng nasa loob ng room namin nakatingin sa akin.

WOW! classmates hindi ako kriminal para titigan niyo ako ng ganyan.

Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil na inubo ako. Ayoko namang magkalat ng virus dito, kasi baka masobrahan pa sila sa bait sa akin. Ay puro virus naman na sila.

Sinipa-sipa niya ang upuan ko, papansin amp!

"Uy, sugpong zoey" pangangasar niya at muli niyang sinipa-sipa ang upuan ko.

Dapat hindi ko siya papansinin dahil wala ako sa mood e. Napabuntong hininga nalang ako at nagsalita. Humarap ako sakanya at nakatingin lang siya sa akin.

"Please lang kahit ngayon lang" pakiusap ko sakanya "okay, bukas nalang sugpo" pagkasabi niya ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at lumabas ng kuwarto.

Hay, buti naman.

***

Naglalakad na ako sa kalsada, pauwi na kasi ako ng dorm. Buti nga medyo maaga kami pinauwi ngayon, dahil meron daw meeting yung mga teachers ngayon. Maaga kami pinalabas pero gabi na talaga, quarte to six na kasi, Pero napalitan na ng buwan ang araw, kaya medyo madilim na.

Nakakapanibago walang tubig at walang kung anu-anong paghahagis na naganap ngayong araw. Siguro, napagod nalang sila o kaya tapos na yung pag wewelcome nila sa akin.

"Hey miss"hindi ko ito nilingon

Nilalagnat na nga ako at medyo nahihilo narin ako. Kaya wala sa mood ang katawan ko para mag entertain ng tao.

*SEXY WHISTLE*

"Miss"

Hindi naman kasi Miss ang pangalan ko. Tsaka malay ko ba na baka hindi ako yung tinatawag nila, kaya patuloy parin akong naglalakad patungo sa aking pupuntahan.

Gusto ko ng makauwi sa bahay, gusto ko ng humigop ng mainit na kape at humilata nalang buong araw.

Bumalik ako sa realidad ng merong humarang na isang lalaki sa harapan ko. Dali-dali akong naglakad, at hindi na ako huminto pa at tuluyan ko siyang nalagpasan.

Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang kaliwang braso ko. Napakahigpit ng hawak niya sa braso ko, Pwinersa niya ako upang mapaharap ako sakanya.

Duterte tulong!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon