Chapter 32: Maru's Plans

2.9K 98 7
                                    

Requested by: Sean Dylan Daniel

===

Maru's POV

Matagal ko ng napapansin si Kyo na may something siya sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin yun. Simula noong sumayaw ako, kung paano magning-ning yung mga mata niya kapag nakikita niya akong sumasayaw, yung inabutan niya ako ng towel noong pawis na pawis ako, tumakbo kasi ako nun dahil naghahabol kami ng oras para idikit yung mga fliers para sa audition, yung pag punta ko dun sa dorm niya, kung paano siya pamulahan kapag kinikindatan, nginingitian ko siya, at madalas ko pa nga siyang nahuhuling nakatingin sa akin at yung pag tawag ko sakanya ng nanay o asawa ko, grabe siya pamulahan nun ang cute niya nga e.

I think humahanga na nga ko kay Kyo, hindi ko yun ipagkakaila na humahanga na talaga ako sakanya. Hindi lang siya mabait at maganda pa, feeling ko nga full package na siya. Kahit hindi ko siya matagal na nakakasama o hindi ko sila masyadong nakakasama ay masasabi ko at mapapansin kong napakabait niya. Unlike sa ibang babae na maganda nga, kasumpa-sumpa naman yung pag-uugali wala rin...

Tapos yung naabutan ko siyang sumasayaw sa kwarto ng RDTC room. Bumalik ako sa kwartong iyon dahil may naiwan akong bagay, yung bagay na tinutukoy ko yung cap kong dope, at papel at nakasulat doon sa papel na yun yung mga pangalan ng nakapasa sa audition.

Hindi niya siguro ako napansin, dahil busy siya sa pag hataw niya. Natatawa nalang nga ako sa isang tabi kasi nag fly-flying kiss pa siya. Medyo kailangan lang ng kaonti pang practice para lang mas mabuild up pa ng kaonti yung skills niya sa pagsayaw. Alam ko namang kayang-kaya niya yun. At alam ko kapag na build up yung skills niya, masasabi kong magiging hot at sexy siya kapag nagkataon. At kapag nangyari yun, baka maging isa pa siya sa mga babaeng sisikat dahil sa kagandahan niyang taglay at kasexyhan niyang gumalaw kapag sumayaw.

Akalain mo kinakaya niya sayawin yung I got a boy ng girls generation. Alam ko yung sayaw na yun dahil ayun ang madalas sayawin nina Dianne at Shane. Halos malapit ko na nga makabisado yung steps nila dahil sa paulit-ulit kong nakikita. Ikaw ba naman araw-arawin or oras-oras mong makikita silang sumasayaw niyan, hindi mo kaya makakabisado?

Ito kasing si Jin, hindi pa umamin kay kyo na gusto niya to. Kahit kailan talaga itong si Jin, pag dating sa panliligaw natatakot bastedin! Sabagay hindi naman kasi siya yung nanliligaw, dahil siya yung liniligawan! Haaaayy, ang pogi talaga ng tropa ko pero syempre mas pogi ako sakanya hahaha.

Sabi ko nga diba, hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga bagay-bagay. Tahimik lang ako sa isang tabi at nagmamasid, pero bantay sarado naman yang kilos mo sa akin.

Naalala niyo ba yung umupo ako sa tabi ni kyo noong nanonood kami ng movie? Ginawa ko yun para magselos si Jin, at nagtagumpay naman ako. Tahimik lang kasi si jin noong mga oras na yun at alam kong nakatingin lang siya sa amin hanggang matapos yung movie, at yung nakatulog na si Kyo sa balikat ko, ako na mismo ang nagdala sakanya sa kwarto niya at doon ko nasilayan ang kagandahang taglay ni Kyo habang natutulog.

Naalala ko tuloy yung mga tinginan sa akin ni Jin noon, nung binuhat ko si Kyo papuntang kwarto niya. Nakikita ko sa mata niya, kung gaano siya kasabik na siya yung mag buhat kay Kyo papuntang kwarto niya. Pero syempre kahit nakikita ko siyang sabik, syempre kailangan ko din umepal paminsan-minsan diba?

Ang masasabi ko lang kay Kyo

She's cute but charming while she's sleeping. Kaya siguro nagustuhan din siya ni Jin. Ito kasing Jin kasi sarap kaltukan!

I sigh

Kung wala lang talagang gusto si Jin sakanya, ngayon palang liligawan ko na si Kyo... Pero marami pa akong mga plano, plano kung saan mapapaamin ko din siya hehehe. Ayoko naman ng talo-talo... May gusto yung isa at yung isa may gusto din, in short ayoko ng parehas kami nag kakagusto sa iisang babae. Baka kasi ito pa ang maging dahilan ng pagaaway naming dalawa at tsaka baka masira pa yung pagkakaibigan naming dalawa diba? Humahanga lang naman ako kay kyo, pero alam ko naman ang limitasyon ko at alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon