Chapter 36: Memories

3K 91 2
                                    


Zoey's POV

♣Flashback♣
Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Magang maga yung mga mata ko kakaiyak. Hanggang ngayon hindi parin ako nakaka get-over sa nangyari kahapon.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako tumingin muli sa salamin.

"Lahat ng nakikita ko ngayon, lahat ng masasakit na alaala, yung pag-iwan sa amin ni dad, yung mga taong may ayaw sa akin, na hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa akin, kahit wala naman akong ginagawang mali sakanila. Yung mga taong nagsasabi sa akin ng masasakit na salita na pinapalampas ko lang dahil ayokong magsimula ng gulo, kahit madalas tagos hanggang buto ang sakit na binibitawan nilang salita ay parang ayos lang sa akin. Mapa physically man ang gawin nila sa akin, kahit ang sakit sakit na ay hindi ko parin silang magawang ipagtanggol ang sarili ko. Dahil naduduwag ako..."

Kinuha ko yung salamin ko na nakalagay sa lamesa

Tinitigan ko lang yung salamin. "Alam mo ba kung gaano kita namiss? Psh.. Sobrang namiss kita, alam mo ba yun? namiss talaga kita"

At sinuot ko ito.

At muli akong tumingin sa salamin, tinanggal ko yung tali ng buhok ko at ginulo gulo ko yung buhok ko.

"Yung bagong zoey kyo cassanova na maganda, palaban, boyish na ngayong araw ay mawawala na.. Dahil nag babalik na siya sa pagiging nerd, mahina, panget at weird na zoey" Para akong tanga dito na nakikipag-usap sa sarili ko. Pinilit kong ngumiti, pero naiiyak nalang ako.

"Welcome back Zoey" humagulgol ako ng iyak "Wel-come ba-back zo-zoey"

Kanina pa talaga ako tanga dito e, kanina lang nakikipag usap ako sa sarili ko, tapos ngayon umiiyak ako. Hindi ko talaga alam kung ano ba talagang gusto ko mangyari sa buhay ko.

♣End of Flashback♣

Tatlong araw... Tatlong araw na akong tulala. Hindi ko parin talaga matanggap ang mga nangyayari sa buhay ko. Mas pinili kong bumalik sa dating ako. Yung dating weird na laging may hawak libro, nerd na makapal yung lenses ng salamin, yung panget na sabog sabog yung buhok, para saan pa yung pagsusuklay ng buhok kung wala ka namang dahilan diba?

Tsaka mas gusto ko narin ng ganito para hindi ganun kapansinin, marami man akong nakakasalubong na nagbubulungan at least ngayon hindi na nila ako masyadong inaapi physically. I'm just ordinary nerd girl, na madalas ayaw makasalimuha ng ibang tao.
Kulang nalang ata ng braces para full package na akong nerd.

Mas pinili kong bumalik sa ganito, nagbabakasakaling bumalik ang lahat sa dati. Yung dating nerd ako pero masaya at buo naman kaming pamilya... Pero ngayon mukhang lahat yun isa nalang malaking imahinasyon.

Kaninang umaga humarap pa ako sa salamin. Tatlong araw narin pala ang nakalipas noong huli akong tuming sa salamin.

Doon ko nakita yung mukha ko. Yung mga mata ko magang maga parin sa kakaiyak ko at medyo lumalim na ang mata ko dahil hindi ako makatulog ng maayos gabi-gabi. Sa tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, naririnig at nakikita ko si Dad at si Kuya. At doon ko paulit-ulit naririnig at nakikita ang lahat. Sa tuwing maririnig ko at makikita ko yung mga nangyari iyon ay parang ayoko ng matulog.

Sa halip na matulog ako ay tinutuon ko nalang ang pansin ko sa pagbabasa ng mga librong nakalagay sa lamesa ko. Ang weird ko ba? Ganito talaga ako.

Tama tatlong araw na akong ganito. Kulang sa tulog at laging nagbabasa ng mga libro. Kaya nga ako natawag na nerd noon diba? Pakiramdam ko mas gugustuhin ko pang gumawa ng takdang aralin ng iba kaysa matulog at marinig ang mga sinasabi ni Kuya gin kay Dad.

Naka ilang missed calls narin sakin si Kuya. Pero hindi ko ito sinasagot at wala akong balak sagutin ito. Tinanggal ko nalang yung sim sa cellphone ko, para hindi niya na ako matawagan ulit. Bago ko ioff ng tuluyan yung phone ko ay nag flash sa screen ang pangalan niya. Nag text pa siya sa akin sa huling sandaling nakabukas ang phone ko, pero mas minabuti ko itong hindi basahin. Siguro gusto niya akong makausap ng maayos tungkol dito, pero sa ngayon kasi hindi ko pa siya kayang kausapin. Ayoko naman hindi pumasok sa school at ayoko rin na magmukmok dito at baka pumunta pa siya at madatnan niya pa ako dito.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon