Chapter 4: He's a Good Guy

5.6K 144 3
                                    


Zoey's POV

"Good morning Philippines" bati ko na pang miss universe ang peg, habang nakangiti at naginat pa ako.

Ang sarap matulog lalo na't sampong oras ang tulog mo, first time ko na kasing maranasan ng ganun kahabang oras ng tulog. Lalo na't naiistress ako nitong mga nakaraang araw, you know, pagpapahirap at paghahabulan na nagaganap sa buhay estudyante ko. At meron pang magandang nangyari sa akin kahapon, kaya masaya akong natulog kagabi. At sawakas nakaganti narin ako sakanilang tatlo, sa lahat ng ginawa nila sa akin sa loob ng tatlong linggo. Actually, mag tatatlong linggo palang yun.

Napabangon nalang ako sa kama ko at nagtungo ako sa kusina upang magluto ng almusal ko. It's already 5:30am in the morning, teka nga at itetext ko lang si mommy na gising na ako. Hindi ko siya nakausap kahapon, kaya itetext ko nalang siya baka kasi busy parin siya ngayon sa pagaasikaso niya sa company nila ni Dad. I wish malapit ako sakanila, to cheer them up.

To: Mom

Ohayou okaasan, Okay lang naman ako dito, wag niyo akong alalahanin ah. Basta pakatatag lang kayo ni Dad diyan, don't worry kay Kuya Gin ko nasagap yung balita kaya siya nalang ang pagalitan niyo. Hahaha! Just kidding okaasan. Just focused their okay?, wag po masyadong magpapagod ah. Mahal na mahal ko po kayong lahat, tsaka nga po pala ang babait ng mga estudyante dito sa RU. Nakakatuwa po talaga sila, Ingat po kayo palagi. See you soon, IMYA

[Sent ]

Gusto ko ilagay at itext sakanya na sa sobrang nakakatuwa yung mga estudyante sa RU, yung tipong mababaliw kana dahil napa bully nila sayo. Kaso hindi ko pa puwedeng sabihin sakanila kasi baka ma istress lang sila lalo.

Ohayou Okaasan, meaning Good morning Mommy yun. Actually we're not japanese, alam niyo naman na mahilig ako sa anime kaya ayon nasasanay nalang din ako sa pagsasalita nito. Si Mom mahilig din sa anime, kaya nakakaintindi siya ng japanese kahit kaonti. Naikwento nga sa akin ni Mom na sa anime galing ang pangalan kong Kyo, actually dapat kyohei daw ang pangalan ko kaso akala niya lalaki ako kaya Kyo nalang daw para pwedeng pang babae at pan lalaki. Bakit nga ba Kyohei? kung napanood niyo na yung wallflower siya nga yun. Binigay ni mom sa akin itong pangalan na ito dahil crush na crush niya si Kyohei Takano ng wallflower. Ang galing no? Kung siya crush niya si Kyohei ako naman crush ko naman si Takinaga.

Ang pogi talaganun, kung totoo lang sana siya. Hay, meron na sana akong jowa ngayon. Kung magiging tao yun, As if naman na magkagusto sa akin si Takinaga diba?

Siya rin nga naging dahilan kung bakit ako naging mahilig sa anime e. Haaayyy, namiss ko tuloy yung pag bobonding naming dalawa.

At ang Zoey naman nanggaling sa Dad ko, hindi niya sinasabi sa akin kung bakit zoey ang gusto niyang first name ko. Pero sabi kasi ni mommy sa akin, crush na crush niya daw yung artista na si Zoey Deutch. Magkahawig daw kami noong bata ako kaya nagpupumilit si daddy na zoey nalang ang pangalan sa akin, pero hindi naman nagpatalo si mommy sakanya. Kaya napagkasunduan nalang nilang ipagsama ang naisip nilang pangalan. Kaya naging Zoey Kyo ang pangalan ko.

AHA! Matanglawin! XD

Natapos na akong kumain at kinuha ko na yung tuwalya ko, muli akong bumalik ng kusina para inumin ang kape na tinimpla ko. Para magising ako ng tuluyan, at para hindi na ako kabahan mamaya. Teka! nakakakaba pala ang kape, kaya mag eenergy drink nalang ako mamaya. Para may lakas ako ng loob na palagan sila.

Maya-maya pa'y pumunta na ako sa banyo at natapos na akong maligo. Pagkatapos ko maligo ay tumapat ako sa may electric fan upang patuyuin ang buhok ko. Hindi ko binuksan ang air con dahil magyeyelo na ako sa sobrang lamig. Tsaka kailangan ko rin magtipid, para naman pagkasyahin yung natitirang allowance ko. Hindi muna ako hihingi ng allowance sakanila hanggat hindi pa nag zezero balance ang allowance ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon