Chapter 3: Fight Back

5.5K 163 1
                                    


Blaze's POV

Nakaupo ako sa sahig, nakaunat ang mga paa ko at nakasandal sa pader.
Nasa school na ako ngayon, nasa rooftop ng school hinihintay sila. Tinext ko sila kanina, na nandito ako sa rooftop nakatambay. At ayon nganga ako dahil, wala naman niisang sakanilang nag reply sa akin. Nakakatiyak ako na mga tulog pa yung mga yun, paano ba naman kasi nag inuman kasi kami todomax. Buti nalang talaga kaonti lang nainom ko kagabi, kasi saktong sakto nasa bahay si Papa naku! Malalagot ako dun pag nalaman niyang umiinom ako ng marami. Ma suwerte lang talaga ako kahapon dahil kaonti lang nainom ko, kapag nagkataon kasi masisikmurahan nanaman ako nun pag nalaman niyang nakainom ako. Takot ko nalang.

Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko.

Napatingala nalang ako sa langit, at pinagmamasdan ang bawat pag galaw ng mga ulap.

Ang boring naman ngayong araw, wala akong mga babaeng kasama.. Paano magkakaroon ng girls kung lahat naman sila binusted ko na. Hindi naman sa pagmamayabang mga readers, pero sila talaga yung nanliligaw sa akin. Ngayon ko lang nga napagtanto na nakakasawa narin palang maging gwapo no? You know habulin ng mga babae, tapos break up. Ewan ko ba, naghahanap kasi ako ng kakaiba.. Kakaibang babae na hindi kagaya nila, yung unique. Yung tipong hindi kana, makakakita ng katulad niya.

Nabaling ang tingin ko sa may pintuan dahil narinig ko kasi itong bumukas. Dahan-dahan akong tumayo at nagtago. Nakasandal lang ako sa pader at nakikiramdam lang sa mga mangyayari.

"Baka!" (Idiot)

Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam na ramdam ko ang inis niya sa pag sabi nun.

Hindi ko siya maintindihan sa sinasabi niya, sino ba siya at ano ba yung sinasabi niya? Nag chachinese ba siya? Teka, ano bang pakialam ko? kung ano man ang sinasabi niya. Meron akong sariling buhay, kaya dapat hindi ko na siya pakialam sa buhay niya.

Sumilip ako ng kaonti upang makita kung sino ang nagsasalita.

"Nande! Nande!" (Bakit, Bakit) Sigaw niya at tinanggal niya ang pusod ng buhok niya, para siyang bata na pumapadyak pa habang bumubulong.

At ako napalunok nalang ako, dahil sa nakikita ko

Yung transferee? Yung weird na babae? Weird ang tawag ko sakanya, dahil hindi siya natatakot sa aming tatlo. Ang weird diba? ilang araw na ang lumipas hindi parin siya umaalis dito sa university na ito, nakakamangha naman. O sadyang hindi lang talaga niya alam yung mga kaya pa naming gawin kaya, ganyan siya. Basta na wiwirduhan ako sakanya.

Teka, ano bang ginagawa niya dito? Hanggang ngayong araw kasi, ang alam ko patuloy parin ang pag wewelcome namin sakanya, ganito kami magmahal ng mga bagong pasok na estudyante sa university. Nakakaramdam narin ako ng awa, dahil sa mga nangyayari sakanya. Teka! Ako naawa sakanya? Damn! Meron pala ako nun, ngayon ko lang napagtanto na meron pala ako nun.

Siguro nga napapagtanto mo nalang ang mga bagay-bagay dahil nag-iisa ka. Ganyan naman tayo eh, napapagtanto nalang natin ang isang bagay kapag nawala na. Pishte! nasan na ba kasi yung mga tropa ko?!

"Mga sira-ulong mga lalaki! Pogi? Saan banda! patingin kung saan banda, bakit hindi ko makita!" galit na sigaw niya at bigla siyang tumawa

Nabaliw na ata ito dahil sa kakagawan namin? Tsk. Sayang, ang ganda pa naman niya, kaso baliw na ata. Tuloy parin ako sa pagmamasid ko sakanya. Punong-puno siya ng harina sa uniform niya at medyo basa-basa pa yung buhok niya. Dahil siguro yun sa juice o tubig na binuhos sakanya.

Napababa ako ng tingin sakanya, dahil maiikli ang palda ng mga babae dito sa amin. Napa lip bite nalang ako at umupo ako dahil, gusto kong makita ang kulay ng undies niya. Umandar nanaman ang pagkamanyak ko, uy mga readers wag kayong magsusumbong kay Ryu ah, actually nahawa lang talaga ako kay Ryu. Sabi nga nila tropa goals. Subukan niyo lang magsumbong hahalikan ko kayo diyan!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon