Chapter 22: Nerd

3.3K 99 4
                                    

Ryu's Mansion

Grabe pangalawang balik ko na dito, pero parang ngayon ko lang narealize na napakalawak pala dito at napakaganda, pero syempre mas maganda parin yung bahay namin dito nuh hehehe, ayaw ko lang patalo nuh? hehe.

Binuhat ni Manong Hades si Alien papuntang kwarto niya, meron din akong nakitang doctor na pumasok sa kwarto niya, ewan ko lang kung nasa loob parin yun ngayon. Siguro naman ngayon, medyo okay na yung pakiramdam niya.

I sigh

Grabe yung mga nangyari kanina, at buti nalang nakatulog yun kanina habang nasa byahe kami. Kung hindi naku! Kanina pa ako kinukulit nun, habang nasa byahe kasi kami kanina. Panay ang kulit niya sa akin, hinahawakan niya pati yung buhok ko tapos inaamoy-amoy niya pa, sa tuwing naiisip ko talaga yun kinikilabutan talaga ako sa mga ginagawa niya, magugulat na nga lang ako pabigla bigla niya nalang pipisilin yung pisngi ko, tapos alam mo ba yung pakiramdam na nakikipag usap ka sa lasing? Yung kwento niya kasi hindi matapos tapos e, kung matatapos man yung kwento niya papalitan nanaman niya ng ibang kwento. Basta ang daldal niya talaga kanina, alam mo yung pakiramdam ng nawala yung sira ulong ryu jin montefalco dahil lang sa isang malubhang sakit, joke lang. Yung Manyak, mapangasar at mahangin na Ryu, nawala nalang sa isang iglap dahil sa isang sakit lang hehehe.

Nahawakan ko yung noo niya kanina, habang nakayakap siya sa braso ko. Grabe feeling ko napapaso yung kamay ko dahil sa sobrang init ng noo niya. Yung feeling na pwede ka ng magluto ng pagkain sa sobrang init ng noo niya, buti na nga lang hindi nasunog yung damit ko e. Kasi kapag nagkataon na nangyari yun, mababawasan pa yung damit ko dahil sakanya. Sayang naman diba?

Bumalik ako sa realidad ng may narinig akong tumawag sa akin.

"Huy! Kyo bakit nandito ka?"

Sisigaw sana ako, buti nalang na napigilan ko wosh. Kanina ako lang tao dito, ngayon meron na akong kasama.. Sino kaya itong mga ito..

Unti-unti ko itong nilingon

"Kamusta?" Bati ni Blaze sa akin

"Bakit nandito ka kyo?" Lumapit si Red sa akin at hinawakan yung kanang balikat ko "Good morning" bati ng isang lalaki at natanaw ko namang papalapit sa amin si Maru..

Omg! Bakit siya nandito? Waaaah! Kung minamalas ka nga naman oh... Malas nga ba ako o swerte? Malas dahil nakikita ko silang dalawa, swerte dahil nakikita ko si Maru.

Napalunok nalang ako ng makarating siya sa harapan namin. Tiningala ko siya, bakit ang gwapo gwapo niya ngayon? Parang pakiramdam ko, gusto ko ng matunaw dito sa kinatatayuan ko. Paano ba naman kasi nakatingin kasi silang tatlo sa akin.

"A-alis na ako bye." tumalikod ako sakanilang tatlo, hindi pa ako nakakahakbang meron ng humawak sa kaliwa at kanang balikat ko.

Aalis na nga lang ako, pinipigilan pa ako.. haist!

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Blaze at pumunta pa siya sa harapan ko at inextend niya yung mga kamay niya para hindi ako makadaan.

Aalis na ako dito, tsaka nandito naman na kayo e..

"Oo nga, kakarating lang namin aalis ka nanaman" naglakad si Red papunta sa gilid ko.

Nanaman? E anong magagawa ko gusto ko na nga kasing umalis e.

"Yeah right.. Hindi pa nga tayo nagkakakilala e" bigla niyang tinap yung ulo ko.

Tinap niya ba talaga yung ulo ko?

"Hayaan mong magpakilala ako sayo" kinuha niya yung kamay ko at nakipag shakehand siya sa akin.

Totoo ba to? Hinawakan niya ba talaga yung kamay ko? Nanaginip ba ako ngayon? Waaah! Kung panaginip to ayoko ng magising!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon