Chapter 40: Fight for Love

2.3K 103 1
                                    

[A/N: sa dalawang tao na nagbigay ng title nito. Hahaha hello Ellaica Mae Anama at Sunshine Trogon. Maraming salamat sainyong dalawa hihihi. Lablab mwuah!]

===

Blaze's POV

Gustuhin ko mang lumapit sakanya pero sa tuwing lalapit man ako sakanya ay naduduwag ako. Lalaki ako pero naduduwag ako? ewan ko ba kung bakit nangyayari sa akin yung mga ganitong bagay. Pakiramdam ko nga kapag nasa harapan ko siya o nakakasalubong ko na siya napipi na agad ako.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong pakiramdam sa talambuhay ko. Bakit ba kasi nangyayari sa akin to?

Alam mo yung pakiramdam na yun? Hindi makapagasalita dahil nauunahan na ng kaba? Parang sa recitation lang, alam mo yung sagot pero kapag nakatayo kana para bang nawawala nalang.

Noong oras na sinabi niya na titigil na siya sa pagsunod sa akin at pangungulit sa akin, parang nagkaroon ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako noong sinabi niya yun sa akin.

Siguro nga tama siya sa sinabi niya na, hindi siya katulad ng ibang babae at narerealize kong mali ako dahil sinabihan ko siya ng ganun.

Noong naglalakad siya palayo sa akin, parang gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa dahil hindi  ako makagalaw sa kinakatayuan ko nun.

Para akong napako doon sa lugar na yun.

Noong una akala joke niya lang yun, akala ko na hindi niya yun totohanin. Malay ko bang kaya niya pala yun gawin diba?

Naalala ko naghintay pa ako sa room nun, naghihintay na baka meron siyang ibibigay na lunch sa akin. Kaso walang nangyari... Nganga ako, walang dumating na Kaine sa kwarto. Walang lunch na dumating, gutom na gutom pa man din ako nun tapos wala siya huhuhu.

Lagi niya kasi akong binibigyan ng makakain especially pag lunch time, madalas sumasabay pa siya kumain sa akin.. At ngayon mukhang malabo na mangyari yun, dahil sa kagagawan ko.

Noong mga sumunod na araw ganun parin yung nangyari. Parang pakiramdam ko natalo ako sa pustahan, noong mga oras na yun. Malaking pera na natalo lang sa isang iglap.

Wala ng kaine ang sunod ng sunod sa akin, wala ng kaine na nangungilit sa akin, at wala naring kaine na madaldal.

Na realize ko na namimiss ko yung presensya niya. Parang gusto kong bumalik ulit sa dati. Yung time na kinukulit niya ako, sinusundan niya ako kung saan man ako pumunta at yung pagiging madaldal niya na kahit wala namang kwenta yung mga pinagsasabi niya.

Parang sa isang iglap gusto kong bumalik dun. Bumalik sa dati..

Siguro nga ito na yung sinsabi nilang, natamaan na ako ng magic arrow ni Kupido.

Ngayon ko lang na appreciate yung mga nagagawa niya. Yung lunch na dinadala niya sa tuwing lunch break, namimiss ko na yun. Pati siya namimiss ko na rin hay.

I sigh

Nagulat nga ako ng makita ko siyang nag paikli ng buhok, akalain mo yung buhok niyang hanggang bewang pinaputulan niya. I heard that, once the girl is broken hearted she choose to cut her hairs. I wonder why she or they do that.. Mag dadalawang linggo niya na pala akong iniiwasan. Sobrang tagal narin pala, simula ng iwasan niya ako. Damn!

Napansin ko parang mas gumanda at naging payat siya sa buhok niyang iyon. Totoo nga siguro yung sinabi nila na, kapag naging broken hearted ka daw mas gumaganda ka lalo.

Parang pakiramdam ko mas lalo pang lumalim yung pagtingin ko sakanya.

Noong napadaan ako sa gym nakita ko siyang nagprapractice. Kahit sa malayuan masasabi kong napakaganda niya. Naghintay ako ng ilang minuto, at sa minutong iyon nakaramdam ako ng kaba sa nangyayari. Nasa tuktok siya ng pyramid, at parang may nangyayari sa babaeng nasa baba na nakahawak sakanya. Noong sumigaw si Maru ng 'Saluhin niyo siya!' Ay agad akong tumakbo palapit sakanya. Nakahinga ako ng maluwag ng masalo ko siya.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon