Chapter 41: Her Death Anniversary

2.5K 86 0
                                    


Ryu's POV

Nilapag ko ang mga bulaklak sa tabi ng puntod niya.

It's been 10 years, simula ng mamatay ka dahil sa kakagawan kong katarantaduhan.

Napaluhod ako.

"I'm sorry" nag umpisang mangilid ang luha "Siguro galit na galit ka sa akin ngayon." Humagulgol ako "I'm sorry"

♣Flashback♣

10 years ago.

[6 years old palang ako.]

"Akin na nga yung salamin ko" inis na sigaw niya

Tumakbo ako palayo sakanya habang hawak-hawak ko parin ang salamin niya.

"Akin na kasi yan ryu!" Halos umusok na yung magkabilang tainga nitong si Nerd

"Ayoko nga, hahaha ang panget mo pala pag wala kang salamin no? kung sabagay kahit may salamin ka naman panget ka parin hahahaha!"

Maganda naman siya, kahit wala siyang suot na salamin at kahit may salamin siya. Nakakatuwa kasi yung mukha niya kapag naiinis. Gustong gusto ko talaga siyang asar asarin ang cute niya kasi kapag naiinis eh. Yung reaksyon kasi ng mukha niya nakakatuwa at lalo akong natutuwa kapag nakikita kong namumula na yung mukha niya dahil sa galit.

"Habulin mo ko belat" dumila pa ako sakanya "Hoy ryu, ibigay mo na yan!" sigaw ni red sa akin

Tinignan ko lang si Red. Pero patuloy parin ako sa pang-aasar kay CK.

Isa pa tong red riding hood nato ang KJ. Ayaw pang makisama sa pang-aasar na ginagawa ko.

"Akin na kasi" naghahabulan kami sa kalsada.

Bihira lang dumaan ang mga sasakyan dito, dahil tanghaling tapat ngunit marami namang puno kaya malilim.

Maganda sana sa park maghabulan ngayon, kaso maraming batang naglalaro doon ngayon dahil recess.

"Kain na tayo nagugutom na ako Ryujin!" sigaw ni Shin at kumaway kaway pa ito sa akin.

Aish. Ayoko nga, kita naman nilang busy pa ako eh. Busy pa ako sa pang-iinis kay Nerdy.

"Hindi pa nga ako nahahabol ni Nerd eh, mamaya ka na kumain Shin. Palibhasa kasi mukha kang pagkain eh. Hahaha!" hindi nalang ako pinansin ni Shin

Galit yan sa akin kapag hindi ako pinansin. Totoo naman  kasi eh, puro nalang siya pagkain! Kulang nalang ata siya na maging pagkain sa hapagkainan. Tss. Kaya siya tumataba eh.

"Bahala ka nga diyan Ryu, iiwan ka na namin" -Red

Edi iwan niyo! Wala akong pakialam!

Wala si Blaze dahil busy siya sa pambobola niya sa mga babaeng classmate namin. Malakas ang pakiramdam ko na paglaki namin, siya ang magiging babaero sa aming apat. Napapailing nalang ako sa naiisip ko.

Naglakad na palayo sina Red at Shin. At ako patuloy parin sa pagtakbo. At patuloy parin naman sa paghabol sa akin si CK.

"Nakakainis kana ah! Akin na nga kasi yung salamin ko, ibalik mo na kasi yan" napansin kong huminto siya sa pagtakbo.

Kainis ang bilis niya palang tumakbo. Nakakahingal ah! Buti nalang huminto siya.

Nilingon ko siya at napansin ko nalang napahawak nalang siya sa dalawang mata niya.

Nag-umpisang umiyak si CK.

Nakaramdam ako ng guilty sa mga oras na yun. First time ko kasi siyang makitang umiyak ng ganun. Sa araw-araw kong pang-aasar at pangunguha ng salamin niya e ngayon lang siya umiyak. Ang weird niya..

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon